^

Pang Movies

Maine hindi sinuportahan si Arjo sa Bagman...

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maine hindi sinuportahan si Arjo sa Bagman...
Maine

Dalawa sa apat na anak ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde ay parehong nasa showbiz na rin, at parehong mahusay umarte, sina Arjo at Ria Atayde.

Kaya hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay sumunod na rin sa kanila sina Gela at Xavi na dalawa pang anak ng mag-asawa.

Namataan namin ang mag-asawa kasama si Gela sa special screening ng ikalawang season ng Bagman, isang socio-political action series sa iWant na pinamamahalaan ni Shugo Praico na isa rin sa creator ng serye along with Direk Lino Cayetano at Philip King.

Bukod sa pamilya ni Arjo, naroon din ang diamond star na si Maricel Soriano na payat na ngayon, ang mag-asawang JC de Vera at Rikkah, Sue Ramirez, Ynez Veneracion, Jairus Aquino, Pen Medina at iba pa.

Ipinakita sa special screening ng Bagman: Season 2 ang tatlong episode ng serye na pinalakpakan ng lahat ng dumalo sa preview.

Samantala, hinanap sa special screening ng Bagman na ginanap sa isang cinema ng Santolan Town Plaza in San Juan last Tuesday evening  ang kasintahan ni Arjo na si Maine Mendoza pero hindi ito dumalo.

Local producers tuloy pa rin ang pagsugal sa pelikula

Alam mo, Salve A., nakakalungkot isipin na hindi gaanong kumita ang local films na ipinalabas recently, save for Jowable ng singer-actress na si Kim Molina na naging surprise hit sa kabila na hindi ganoon kalaki ang pelikula.

Naubos kaya ang pampanood ng sine ng mga tao sa pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kumita sa takilya ng halos isang bilyong piso o dahil abala na ngayon ang mga tao sa paghahanda para sa nalalapit na Kapaskuhan? Pero kapag major foreign movies ang palabas ay pinipilahan ito habang ang mga local film ay nilalangaw sa takilya.

How sad.

Bago ang 2019 Metro Manila Film Festival na magsisimula on December 25 at magtatapos on January 7, 2020, may ilan pang local films ang nakatakdang ipalabas. Pero sa kabila ng pagiging lukewarm ng reception ng mga manonood sa maraming gawang Pinoy na pelikula, hindi ito hadlang sa patuloy na pagpu-produce ng ilang producers although mas marami sa kanila ay tumigil na sa paggawa ng pelikula.

May edge and Star Cinema at ang kanilang subsidiary film company na Black Sheep Productions dahil bukod sa puhunan ay meron silang machinery sa iba’t ibang platform kung ikukumpara  sa ibang movie producers.

In fairness, maraming local films ang magaganda ang pagkakagawa pero hindi pa rin ang mga ito pumapasa sa panlasa ng mas nakararami.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with