^

Pang Movies

Mga pelikulang tagalog nahihirapang tauhin sa sinehan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Iyang mga pelikula ngayon, sinasabi ng mga kritiko na ‘yan ang klase ng mga pelikulang hindi gagawin ng producer mga 30 years ago.  Iyon ang panahon na mas kumikita ang mga pelikula kahit na sinasabi pang maliliit at luma pa ang mga sinehan.

Sa panahong ito na mas marami at mas magaganda ang sinehan, at saka sila hindi kumikita.

Ang usapan nga noong isang gabi ng mga beterano na sa industriya, ang malaking problema ngayon ay ang mga artista. Ang mga sikat na artista ay nasa telebisyon, samantalang ang pinipilit na gawing bida sa mga pelikula ay iyong starlets lamang. Habang ang telebisyon na naghahabol ng ratings ay talagang namumuhunan sa kanilang mga palabas, ang producers ngayon ng sine, kahit na papaano na lang ang ginagawa, after all naniniwala silang kahit na pangit ang pelikula nila at nag-flop, maibebenta pa rin nila sa ibang platforms kagaya ng Netflix at Iflix na nangangailangan ng maraming content para makakuha sila ng mas mara­ming subscribers. Nababawi rin nila ang mga barya-barya nilang puhunan.

Siguro nga raw, sabi nila, kung ang mga malalaki at mahuhusay na artista ay gagawa ng pelikula, maaaring magbalik pa ang dating samahan ng mga producer at may-ari ng sinehan, kung saan tumutulong ang mga sinehan sa finances ng producers kung kinakapos man. Pero siyempre para gawin ng sinehan iyon, kailangan alam nilang maganda at kikita ang pelikula para sila makabawi.

Kung sabagay may nagsasabi nga, walang problema dahil mga artista iyan eh. Payag pa nga silang magbawas ng talent fee. Isang example nga si Vilma Santos, ok naman siyang gumawa ng pelikula eh, pero bigyan naman ninyo siya ng offer na magugustuhan niya. Hindi iyong basta may magawang pelikula lang, kailangan naman iyong kikita rin.

Masakit nga naman iyong ang tingin sa iyo sikat ka tapos biglang ang pelikula mo flop.

Pastor Apollo Quiboloy inendorso ang EB

Ano kaya ang sasabihin ngayon ng iba nang diretsahang inendorso ni Pastor Apollo Quiboloy ang Eat Bulaga bilang isang mahusay na programa, nakakatawa at sinasabi nga niyang tatagal iyan habang panahon.

Siyempre bago naman iyon sinabi ni Pastor Quiboloy, may basehan din. Isipin nga ninyo halos apat na dekada na ang Eat Bulaga na iyan.

Tama rin naman si Quiboloy, maya’t maya may mga bagong gimmick sila sa show na kinakagat naman ng publiko. Totoo rin ang sinabi niya na mas disente nga ang approach ng Eat Bulaga sa pagpapatawa. Walang kabastusan.

Maski naman kami eh, sa totoo lang mas natatawa kami kina Allan K. at Wally Bayola kaysa kay  “you know who”.

Misis ng isang sikat na aktor tanggap na ang pambababae ng asawa!

Hindi na apektado si misis sa sinasabing pambababae ng sikat na male actor. Ang sabi pa nga raw ni misis, “bakit ko naman iyan papansinin eh hindi lang naman siya ang babae ng asawa ko”.

Mukhang sanay na naman talaga si misis sa pagka-playboy ng kanyang asawa. May panahon pa nga in the past na ang naging kulikadidang ng sikat na male star ay isang “kasamahan” ni misis. Pero ang payo raw sa kanya ng kanyang biyenang babae, “huwag mong kunsumihin ang sarili mo, basta sa iyo umuuwi ayos lang iyon”.

Sinusunod naman iyon ni misis, dahil alam din niya ang karanasan ng biyenan niyang babae.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with