^

Pang Movies

Juday hindi dapat umasa sa malaking kita ng kanyang indie film

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Juday hindi dapat umasa sa malaking kita ng kanyang indie film
Judy Ann

Umaasa si Judy Ann Santos na hindi lamang pupurihin ng mga kritiko ang kanyang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na Mindanao, kung ‘di kikita rin  nang malaki sa takilya. Iyan ang hindi ko alam. Sinasabi nga nila usually ang mga pelikulang pinupuri ng mga kritiko, hindi talaga kumikita. Iba ang standards ng mga kritiko. Iba ang standards ng masang nanonood ng pelikula.

Natatandaan namin noong araw, may isang film producer na basta ang pelikula niya ay nabigyan ng rating na A ng Cinema Evaluation Board, may problema na siya. Kasi basta raw rated A, malabong magustuhan ng masa. Mas ok pa kung B lang.

Isa pa, sa mga pangyayari, wala pang ganyang indie na kumita talaga, kahit na sabihin mo pang sikat ang artista.

Si Sharon Cuneta nga nag-indie eh, umagos ang luha sa takilya, walang kita. Dapat sa pelikula ni Juday, huwag masyadong umasa. Doon lang tayo sa may possibility talaga.

Ruru hindi sineryoso ang ginawa ni Bianca!

Kinabukasan lang, matapos na mabalitang muntik nang sagasaan ni Bianca Umali si Ruru Madrid sa parking lot ng isang mall dahil diumano sa selos, nakitang magkasama silang dalawa, magkasundo, sweet sa isa’t isa na parang walang nangyari.

Tapos nagbigay pa ng isang television interview si Ruru na nagsabing wala naman daw dapat pag-usapan “dahil wala namang nangyaring ganoon”. Parang sinabi ni Ruru na ang lahat ng nagsabing nakakita sa pangyayaring iyon, pati na nga iyong nagsasabing “naiyak” sila dahil sa ginawa kay Ruru ay mga sinungaling pala. Wala naman palang nangyari eh.

Ano iyon? Gawa-gawa ng mga nagsulat na naroroon sa premiere ng kanyang pelikula, para mabanggit sa kanilang mga write up ang title ng pelikula na hindi rin naman kumita, at bago sila nagkasundo ni Bianca ay wala na sa mga sinehan?

Halata mo naman sa statements na sila ay nagda-damage control, pero maling damage control ang kanilang ginagawa. Sa mga ganyang sitwasyon, kailangang aminin kung ano talaga ang totoong nangyari, at saka ipaliwanag kung ano ang kinahinatnan. Hindi tamang sabihing “wala namang nangyaring ganoon”. Hindi tamang sabihin na nagsinungaling lang ang mga nagsasabing nakita nila ang buong pangyayari. Hindi lang naman kasi isa o dalawa ang nagsabing nasaksihan nila iyon. Mayroon pa ngang ang claim ay “naiyak” sila. Basta ba masasabi mong hindi totoo lahat iyon?

Kung babalikan siya ng mga nagsabing nakita nila ang buong pangyayari, baka mas malaking trouble pa ang kanilang harapin.

Kung minsan ‘yan ang problema sa mga hindi marunong ng tamang da­ mage control.

Paglipat ng network ng isang starlet, inaabangan kung may mangyayari

Lumipat na raw ng management company ang isang female starlet. Lumayas iyan sa dati niyang managers dahil walang nagawa nang biglang ayawan siya ng dati niyang ka-loveteam. Sa tingin kasi niya wala nang mangyayari kung ganoon nga.

Sa nilipatan naman niya, sa tingin namin wala rin namang mangyayari. Kung doon nga sa dati na may back up pa ng network walang nangyari sa kanya?

At saka ang tanong, bakit nga ba siya inayawan ng dati niyang ka-love­team?

Paki-explain nga please!

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with