^

Pang Movies

Discovery ni Kuya Germs bida na sa LGBTQ movie

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Discovery ni Kuya Germs bida na sa LGBTQ movie

The long wait is over sa magandang singer-actress-host na si Rhen Escaño na nabigyan na rin finally ng kanyang first lead role sa pamamagitan ng pelikulang Adan na pinagsasamahan nila ng dating beauty queen-actress na si Cindy Miranda.

Ang nasabing erotic thriller movie na mula sa panulat ng writer-director na si Yam Laranas at dinirek ni Roman Santillan Perez, Jr. under Viva Films, Aliud Entertainment and Imagine Per Second ay nakatakdang ipalabas sa darating na November 20.

Si Rhen ay isa sa discoveries ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa kanyang long-running late night program sa Kapuso Network, ang Walang Tulugan with the Master Showman kung saan din nagmula sina Ken Chan, Sanya Lopez, Jak Roberto, Jake Vargas at iba pa.

Ayon sa business visionary na si Boss Vic del Rosario ng Viva, malaki umano ang potential ni Rhen na maging major star balang araw dahil dahil bukod sa ito’y maganda at sexy, mahusay itong umarte.

Dimples tatlo-tatlo ang pelikula

Ang Kapamilya actress na si Dimples Romana ang pinakabagong brand ambassador ng Skin Magical beauty products na pinamumunuan ng successful young entrepreneur na si Ghie Pangilinan, isang dating online reseller at ng kanyang dating seaman na mister na si Jerry.

Ang kanilang P7,000  starting capital ay milyun-milyon na ang balik sa kanilang mag-asawa na nagtiyaga hanggang mapalago nila ang kanilang negosyo na meron nang 80 franchises at 150 distributors nationwide.

Hindi ikinakaila ni Ghie na naging instrument umano ang popular character ni Dimples sa teleseryeng Kadenang Ginto bilang si Da­niela Mondragon na i-consider siya na maging celebrity endorser ng kanilang mga produkto.

 “Hindi kami nagkamali kay Dimples dahil swak siya sa mga produkto ng Skin Magical,” pahayag  pa ni Ghie.

Si Dimples ay may tatlong bagong movie projects at kasama na rito ang pang-Metro Manila Film Festival movie nina Vice Ganda at Anne Curtis na The Mall, The Merrier.

Engagement nina Sarah at Matteo noon pa alam ng kanilang pamilya

Alam mo, Salve A., may suspetsa ako na sa Italy nag-propose si Matteo Guidicelli sa kanyang fiancée na si Sarah Geronimo nang magbakasyon ang dalawa sa nasabing lugar nung isang taon.  Marami kasing mga romantic places in Italy.

Ang bunsong kapatid na lalaki na si Paolo Guidicelli ang nagbuking na isang taon na umanong engaged sina Matteo at Sarah pero isinikreto lamang ng dalawa sa publiko.

Overwhelming naman ang kasiyahan at reaction  ng marami including their friends in and outside of showbiz maging ng kanilang mga fans and supporters nang kumalat ang balita tungkol sa engagement nila, isang indikasyon na masaya sila para sa celebrity couple.

vuukle comment

LGBTQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with