^

Pang Movies

Janine hinihintay suportahan ni Rayver!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Janine hinihintay suportahan ni Rayver!
Janine at Rayver

Ang special screening kagabi ng Babae at Baril sa Platinum Cinema ng Gateway sa Araneta City, Cubao, Quezon City.

Masaya si Janine Gutierrez na maraming nagpapa-block screening ng Babae at Baril.

Nakasali sa QCinema 2019 Film Festival ang Babae at Baril at nanalo pang best actress si Janine noong October 18.

Bago ang special screening kagabi, nagkaroon na ng special screening ang mga fan ni Janine last week at um-attend din siya roon.

Ang manager ni Janine na si Leo Dominguez ang nagpa-special screening ng Babae at Baril.

Ang love kaya ni Janine na si Rayver, kailan magpapa-special screening ng pelikula o baka naman tapos na at hindi lang niya ipinagsabi?

Anyway, maraming nagsasabi na ang galing talaga ni Janine sa Babae at Baril at wish nga ng mga fan na magkaroon ‘yon ng regular commercial run.

Lovi panay ang lantak ng cake

Ang bongga dahil pinagkaguluhan sa meet and greet niya for Bench sa Abu Dhabi at Dubai, UAE si Lovi Poe.

Bukod sa events doon ng nasabing endorsement, sumingit na rin ng pamamasyal si Lovi.

Panay Din ang kain niya at nagke-cake rin si Lovi, pero sexy pa rin dahil panay ang exercise.

In fairness, ang pag-e-exercise ang dahilan kung bakit kahit “matakaw” kung minsan si Lovi ay nami-maintain naman niya ang sobrang kaseksihan.

Ang bongga!

Samantala, pabalik na ng bansa bukas si Lovi dahil on Monday na ang premiere night ng The Annulment movie nila ni Joem Bascon sa SM Megamall.

Siyempre, hindi puwedeng ma-miss ni Lovi ang event na ‘yon dahil nakapangako siya kina Mother Lily at Roselle Monteverde na uuwi para roon.

Sa Wednesday na ang showing ng The Annulment ng Regal Entertainment.

Kathryn at Daniel nag-iipon na ng pang-dream house

Kahit kagagaling lang ng California para sa show, busy na naman ang mag-sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil kahapon ang grand opening ng Barbero Blues business nila sa SM Fairview.

Bale second branch na ‘yon ng business nila at nauna na nga ‘yung sa SM North EDSA.

Sabi, panay na ang business ng KathNiel dahil nag-iipon na sila ng pambili ng dream house nila.

Wow, so, malapit na rin ang kasal?

Naku, baka nga engaged na rin sila at inilihim lang dahil more than six years na rin ang relasyon nila na inilihim din nila noong una, huh!

Anyway, matutuwa ang mga fan ng KathNiel kung mauuwi nga sa kasalan ang relasyon nilang dalawa.

Mukhang ‘yon din naman talaga ang ending nila dahil obvious naman ang sobra nilang pagmamahal sa isa’t isa, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with