Manay Lolit maligaya para kina Sarah and Matteo ‘At least hindi siya na-ghosting ni Gerald’
Isa si Nay Lolit Solis sa happy sa magaganap na kasalang Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.
Ito ay kahit si Gerald Anderson ang gusto niya kay Sarah na paulit-ulit niyang pinapanood ang pelikulang ginawa noon.
“Kasi kahit anong sabihin mo ang ganda-ganda nun na may lalaking magpapakasal sa ‘yo. Saka siguro ang ganda-ganda ng magiging anak n’yo dahil Italyano si Matteo.
“Kahit ang gusto ko ay si Gerald, at least hindi ka igo-ghosting noh. Pakakasalan ka. Eh si Gerald baka i-ghosting ka noh,” sabi pa ni Nay Lolit na ngayon ay certified social media influencer na rin.
Sinasabing naudlot noon ang supposedly ay relasyon nina Sarah and Gerald.
- Latest