^

Pang Movies

Fumiya naunahan na si Yamyam na magka-concert!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Matapos ang matagumpay na Pinoy Big Brother: Otso, nagbago ang buhay ng Japanese contestant na si Fumiya Sankai. Nanalo siya bilang 5th placer sa nasabing reality show.

Kinaaaliwan si Fumiya dahil sa tandem nila ng bestfriend niya sa loob ng bahay ni Kuya na si Yamyam Gucong.

Sa darating na November 15, gaganapin ang first-ever concert ni Fumiya titled Amazing ‘Di Ba? sa Music Museum.

Makikigulo sa concert sina Andre Briuol­lete, Lou Yanong at Yamyam, with special guests AC Bonifacio at Alex Gonzaga.

Buo ang suporta ng fans ni Fumiya sa kanya, at talagang willing silang gumastos para lang makita at mapanood ito.

Samantala, hindi na rin makapaghintay ang fans at followers ni Alex kung papaano siya makiki­pagkulitan sa mga dating housemate.

Isa si Alex sa mga host ng PBB, ang iba pa niyang kasama ay sina Toni Gonzaga, Kim Chiu at Melai Cantiveros.

In demand ngayon si Alex dahil sa ginagawa niyang pagba-vlog. Aliw na aliw sa kanya ang netizens. Bukod pa rito napapanood din siya sa bagong season ng I Can See Your Voice kung saan si Luis Manzano ang host at sina Bayani Agbayani, Wacky Kiray, Angeline Quinto at Andrew E. naman ang kanyang mga kasama bilang mga singvestigator.

vuukle comment

FUMIYA SANKAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with