^

Pang Movies

Aga at Alice pareho ang ugali noon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Aga at Alice pareho ang ugali noon!
Alice, Aga

True ang kuwento ni Alice Dixson na maldita ito noong bagets pa siya tulad ng late na pagdating niya sa kanyang mga commitment at primadonna attitude.

Natatandaan ko na Alice Diction ang tawag noon kay Alice dahil may punto ang pagsasalita niya ng Tagalog na kinukutya ng mga reporter.

Aminado si Alice na ang pagiging unprofessional niya noon ang dahilan kaya maraming trabaho ang nawala sa kanya.

Pero iba na ngayon si Alice dahil at the age of 50, propesyonal na siya. Hindi rin naman biro ang mga natutunan ni Alice noong manirahan siya sa Canada bilang ordinary citizen.

Naalaala ko ang kuwento na mismong si Alice ang nagpadala noon ng email sa mga executive ng TV5 dahil gusto nga niya na mag-comeback. Hindi nagkamali si Alice sa mga tao na nilapitan dahil malaki ang naitulong ng TV5 para makabalik siya sa showbiz.

Sa presscon ng Nuuk, nagkuwento si Aga Muhlach tungkol sa pagiging pasaway niya, ang kanyang late na pagdating sa mga presscon at shooting noong bagets pa siya.

Nabanggit din ni Aga na nayayabangan si Alice sa kanya noong magkapareha sila sa ilang pelikula ng Regal Films.

Pero nagbago si Aga at inayos nito ang lahat ng kanyang mga problema kaya kinikilala siya ngayon bilang isa sa mga pinakamahusay na aktor sa Philippine cinema.

Habang nagkukuwento si Aga tungkol sa pagiging pasaway niya noong dekada ’80, tahimik lang si Alice na nakaka-relate pala sa kanya dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga ugali noong panahon ng pagrerebelde nila.

Magkasing-edad sina Aga at Alice, parehong 50-years old na sila pero nag-mature at naging responsable.

Magandang role model sina Aga at Alice sa mga kabataang artista ngayon na walang pagpapahalaga sa career at mabilis na nalunod sa isang basong tubig.

Bianca at Ruru passionate pa

Nakatutok ang mga tsismosa sa love story nina Ruru Madrid at Bianca Umali na matagal nang inililihim ang relasyon hanggang gumawa ng eksena ang aktres sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng premiere night ng Cara X Jagger noong Martes.

Asking ang mga tsismosa kung ang nangyari sa parking lot ang maging dahilan para hiwalayan na ni Ruru si Bianca o aayusin nila ang problema, kahit suwayin ni Ruru ang ama nito na nasaktan sa inasal ng girlfriend niya?

Mga bagets pa sina Ruru at Bianca kaya masyadong intense at passionate ang kanilang relasyon.

Sa true lang, walang dapat ipagselos si Bianca kay Jasmine Curtis Smith, ang leading lady ni Ruru sa Cara X Jagger.

At dahil bagets pa nga si Bianca, mas pinairal nito ang emosyon na hindi maganda ang resulta dahil talk of the town ang kanyang ginawa na disrespect kay Ruru at sa ama nito.

Mahirap i-deny ang insidente dahil marami raw ang nakakita sa true-to-life na pang-aaway ni Bianca sa boyfriend niya.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with