^

Pang Movies

Birthday ‘gift’ ni Maine kay Arjo, pinagkakalat ng fans na peke

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Birthday �gift� ni Maine kay Arjo, pinagkakalat ng fans na peke
Maine, Arjo

Ang “Thank you” ni Arjo Atayde sa birthday greetings sa kanya ng girlfriend na si Maine Mendoza at pagpo-post nito ng photo nila na magka-holding hands habang nagbabakasyon sa Taiwan.

Ang dating sa amin ng thank you ni Arjo ay hindi lang dahil sa birthday greetings ni Maine at sa pinost nitong photo nila, kasama na rin ang pag-a-acknowledge sa kanilang relasyon. Kahit sabihin pang blangko ang heart emoji na ginamit ni Maine, binati pa rin siya ni Maine.

Ang hindi namin maintindihan ay ang mga nagsasabing hindi si Maine ang nag-post noon kung hindi isang taong close sa kanya. Alam natin na pagdating sa cellphone natin, walang puwedeng gumamit, kaya nga lagi nating hawak.

Mas less ang sakit kung tatanggapin na lang ng ilang AlDub fans na may Arjo na si Maine at si Alden ay naghahanap ng kanyang magiging special girl

Marian maraming intrigang sasagutin

Pinost ni Marian Rivera ang pinadalang spaghetti ni Popoy Caritativo at naka-caption na galing kay “Momshie” ang spaghetti.

“Momshie” ang tawag ni Marian sa former manager noon at hanggang ngayon.

 Sa renewal bukas ng kontrata ni Marian sa Beautéderm, tiyak na isa sa mga itatanong sa kanya ng media ay ang pagkaayos ng conflict nila ni Popoy dati at naging dahilan para hindi sila magkita at mag-usap ng matagal.

Kami naman, itatanong namin sa manager nga-yon ni Marian na si Rams David kung totoo ang tsikang may isang endorsement si Marian na hindi na magre-renew at may kinuha na ang produkto na papalit kay Marian to endorse their product.

Pero ang alam namin, early next year ang renewal ni Marian sa product na hindi pa namin puwedeng banggitin.

Martin niyayari ng fans ni Alden!

Kontrabida si Martin del Rosario sa The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards at sa unang episodes pa lang na inaangasan ni Jared (Martin) si Sep (Alden), marami ng viewers at fans ni Alden ang galit kay Martin.

Lalo pa sigurong magagalit si Jared kay Sep kapag nalaman ng anak din ng mom niyang si Nadia (Jean Garcia) si Sep at half-brother niya ito. Pero dahil magaling na aktor, gagawin ni Martin kung ano ang nasa script at kung ano ang sasabihin ni director LA Madridejos.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with