^

Pang Movies

Nuuk nina Aga at Alice maganda ang feedback

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Showing na today ang Nuuk movie nina Aga Muhlach at Alice Dixson.

In fairness, maganda ang feedback sa pelikula.

Ayon sa mga nakapanood ng Nuuk premiere night sa SM Megamall noong isang araw, matinong pelikula ‘yon. Worth it panoorin.

Well, kaya naman pala ito nabigyan ng naka-grade B sa CEB (Cinema Evaluation Board).

Pero bakit nga ba Nuuk ang title ng pelikula nina Aga at Alice?

Actually, ang Nuuk ay capital ng Greenland, isa itong small city sa Southwest Coast ng nasabing bansa.

Sabi, “Its large ford system is known for waterfalls, humpback whales and icebergs,” kaya type kong panoorin ang pelikula nina Aga at Alice para may idea ako dahil noon ko pa nga gustong pumunta sa Greenland sa tuwing nakikita ko ‘yon sa map ng Europe.

Anyway, sana kumita ang Nuuk movie ng Viva Films.

Samantala, sa isang interview nga pala kay Aga ay nabanggit niya na type niyang makapag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Aware nga si Aga na maraming big stars na ang nakapag-guest sa series ni Coco.

Kausapin kaya ni Coco si Aga para mag-appear sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Why not, good idea ‘yon, huh!

‘Yun na!

Jerome ‘nagbayad’ sa discoverer 

Ang fashion designer na si Avel Bacudio ang nagpasok kay Jerome Ponce sa ABS-CBN. Siya rin ang co-manager ng Star Magic sa career ng aktor.

Noong November 1, nagpunta sila sa Tokyo, Japan para magbakasyon kasama ang isa pang Star Magic talent na si Kyle Velino (na co-manager din si Avel).

“Nilibre ako ni Jerome. Siya ang nag-ayos sa lahat. Kumikita na ang anak-anakan ko, kaya nag-treat naman siya. Nakaka-touch nga,” sabi ni Avel.

Bale November 1 sila nag-Tokyo at nagpunta rin daw sila sa Universal Studios sa Osaka dahil gusto niyang sumakay ng bullet train.

“Alam ni Jerome na gusto ko sumakay ng bullet train, kaya nagpunta kami sa Osaka, pero sa Universal Studios lang kami,” sabi pa ni Avel.

Enjoy nga raw ang baka­syon na ‘yon dahil may madalas silang puntahan, ang teamLab na ang ganda raw.

Isa pang madalas nilang puntahan ay ‘yung eat all you can na Wagyu place na nagustuhan daw ni Jerome.

“Pabalik-balik kami roon. Gustung-gusto ni Jerome ‘yung wagyu at eat all you can pa,” sabi ni Avel.

Sa gabi raw, sa hotel lang si Avel at lakwatsa na sina Jerome at Kyle.

“Enjoy talaga kami sa bakasyon,” sabi pa ng fashion designer.

Nakatutuwa ang mga artistang katulad ni Jerome na kapag kumikita na ay bumabawi sa mga taong nakatulong sa kanila.

Hunk actor na pamilyado na, tuloy ang panggagatas sa bading

Naku, dahil sa pagiging generous ni Jerome sa manager ay naalala ko tuloy ang kuwento sa isang hunk actor na kahit may pera na ngayon ay ganoon pa rin naman kung “harbatan” ang bading na tumutulong sa kanyang career.

‘Kaloka lang na kahit new cellphones ng kanyang mga anak ay sa bading pa rin niya inaasa.

Si bading naman, ok lang, dahil in love siya kay hunk actor noon pa man.

Actually, pinaniwalaan nga na may relasyon sila.

So, kahit daw may pamilya na si hunk actor, hindi pa rin lumalayo rito si bading.

Gumagastos pa rin si bading kay hunk actor.

Well...

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with