^

Pang Movies

Romnick wini-wish na ‘wag agad patayin ni Coco

Vir Gonzales - Pang-masa
Romnick wini-wish na �wag agad patayin ni Coco
Coco Martin

MANILA, Philippines — Malaking factor ang pagpasok ni Romnick Sarmenta sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Huli kasi siyang napanood sa seryeng Halik na pinagbidahan nina Yen Santos, Yam Concepcion, Jericho Rosales at Sam Milby. Gumanap siya bilang salbaheng tatay ni Yen pero kalaunan ay bumait din.

Kilala si Romnick sa mga role na kontrabida, kaya naman na-excite uli ang mga manonood ng Ang Probinsyano nang mailinya na siya sa mga bagong magpapahirap kay Coco.

Nagsasawa na raw kasi sila sa palaging pagpaplano ng huli kung paano lulusubin sina John Arcilla at ang iba pang kontrabida.

Sana naman daw ay huwag munang patayin si Romnick at gawin pang mas interesting ang kanyang karakter.

AiAi mataas ang ini-expect sa Trobol...

Tatlong taon ang bagong kontratang pinirmahan ni AiAi delas Alas sa Kapuso at nangako siyang pagbubutihan pa ang kanyang pagbibigay-saya sa kanyang fans.

Sa kabila ng mga balitang magpapahinga na siya diumano para makabuo sila ng anak ng asawang si Ge­rald Sibayan, abala pa rin siya sa paggawa ng pelikula at pagiging judge sa The Clash season 2 kasama sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Samantala, naki-join naman siya kina Coco at Jennylyn Mercado sa pelikulang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Inaasahan na marami ang manonood sa kanila dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatambal ang tatlo sa big screen.

Roderick at Melanie kinauumayan ng viewers!

Hataw ngayon sa rating ang seryeng One Of The Baes nina Rita Daniela at Ken Chan na siyang ipinagpapasalamat ng dalawa. Ganunpaman, may mangilan-ngilan pa ring viewers ang naghahanap ng bago.

Nauumay na raw sila sa acting ni Roderick Paulate na pang panahon pa raw ni Kopong-kopong ang mga joke! Pati raw ang mga damit na ipinasusuot kay Melanie Marquez ay parang hindi bagay sa kanya, nagmukha siyang bakla. Parang naiilang tuloy sa acting ni Melanie sina Tonton Gutierrez at Jestoni Alarcon.

Dating sexy actor balik-pelikula

Sa wake ng mother ng Escolta Boy na si Jeric Vasquez sa St. Peter cha­pel, muli naming nakita ang dating sikat na sexy actor na si Bobby Benitez.

Si Bobby ay nakagawa ng maraming pelikulang kumita noong araw, at ngayon, isa na pala siyang director at kasama sa movie ni Sen. Manny Pacquiao na General Malvar.

Apat ang anak ni Bobby, ito ay sina Mico, Mica, Mickey at Macky.

Happily married si Bobby sa asawang si Merly Nepomuceno.

Amanda Amores abala sa birthday ng anak na pulitiko

Sa November 12 na ang birthday ni Kapitana Michel China Yu, at gusto raw niyang makasalo ang kanyang mga kabarangay.

Punong abala sa pagtitipon si Amanda Amores na kanyang nanay, ang original na dancing queen ng showbiz bukod kay Pia Moran at star for all season Vilma Santos.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to November born celebrants:

Vilma Santos, Coco Martin, Arnold Clavio, Rowena Salvacion, Andy Verde, Baby Ramirez at Andy Odulio.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with