^

Pang Movies

Hunk actor na pinaglalawayan ng marami, magdamag nakipaglaplapan sa model na kasama sa party!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Oh, no, Ateng Salve, have you heard of the “laplapan scene” of a hunk actor and a very posh girl from abroad na model ng isang make-up brand?

Talk of the town ang dalawa dahil all night ang laplapan nila sa isang well-attended, super-successful Halloween event, huh!

Ang bongga ng dalawa, parang in love na in love talaga sila sa isa’t isa.

Sabi ng isang nakakita sa kanilang laplapan, “They’re so bagay naman. Pretty the girl, so bagay siya sa pagi­ging hunk ni M____ (name ni hunk actor na hunk din naman ang image ng tatay noong kapanahunan nito),” sey ng isang aktres na nasa nasabing Halloween event.

Eh, marami pa naman ang may type kay hunk actor, pero naunahan sila ng very posh girl. So, talbog silang lahat ng babaeng ‘yon, ‘noh?!

Ang bongga lang!

Si very posh girl na kaya ang maging girlfriend ni hunk actor after ng laplapan na ‘yon?

Baka naman by this time, mag-sweethearts na sila, ‘noh?!

Maging artista rin kaya ang girl na ‘yon?

Well...

Halloween party ni Raymond super talk of the town

Ay, ang bongga lang, Ateng Salve, dahil magi­ging annual event na ang Opulence: Let Them Eat Cake Halloween party ni Raymond Gutierrez, huh!

Dahil sobrang pinag-uusapan nga ang nasabing Halloween event, kaliwa’t kanan ang pag-congratulate kay Raymond at sa kanyang team.

Ang bongga-bongga!

At heto na ang ikakaloka mo, Ateng Salve, as of yesterday, may bumili na kaagad ng two tables for next year’s party, wow na wow, ‘noh?!

At may sponsors na raw na nag-uunahan para roon!

Nice!

Grabe naman kasi sa pagka-istariray ang Opulence Halloween event ni Raymond, super well-attended at super talk of the town pa.

Again, congrats, Raymond, pati sa team mo, ang galing-galing ninyo, huh! (Wow congrats naman. – Salve)

Lovi at Joem walang kapaguran sa pagpo-promote

Ang sipag nina Lovi Poe at Joem Bascon na mag-promote ng The Annulment movie nila under Regal Entertainment.

Actually, ang saya nga ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa kasipagan nina Lovi at Joem.

Sabi naman ng dalawa, inspirado sila sa magandang feedback sa The Annulment.

Anyway, aalis si Lovi for Abu Dhabi on November 6 para sa Bench event doon pero babalik naman kaagad para sa red carpet premiere night ng pelikula.

Sa November 13 ang opening day ng The Annulmemt at mukhang aariba ito sa takilya based sa reaction ng mga tao sa trailer pa lang ng pelikula.

‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with