^

Pang Movies

Controversial personality pikon sa mga intriga!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Hahaha totoo pala ang chika sa isang controversial personality.

Pikon siya sa mga intriga sa kanya.

At ang ginagawa niya, bina-block niya lahat ng mga nagsusulat ng unfavorable sa kanya.

Kaya naman ang mga inaaway niya, mas marami na ang kakampi ayon sa ilang observer.

Gretchen, Atong

Haba ng hair Atong ang naging in demand sa souvenir photos

Naging favorite sa mga souvenir photos si Mr. Atong Ang since na maging controversial siya sa giyera ng magkakapatid na Barretto.

Kahit saan siya magpunta, ang daming nagpapa-picture sa kanya.

Yup, pinaka-winner nga sa Barretto saga ang businessman na itinanggi ang pag-uugnay sa kanila ni Gretchen Barretto nang magsulputan ang mga photo nilang magkasama sa eroplano habang natutulog, sa Dangwa, sa mga restaurant at iba pa, sa interview sa kanya ni kabayang Noli de Castro last week.  Magkaibigan lang daw sila at alam ni Mr. Tony Boy Cojuangco ang kanilang friendship.

After din kasi ng nasabing interview ni Mr. Ang ay nanahimik na ang magkakapatid eh ang payo niya ay magbati-bati na sila at alagaan ang kanilang nanay na si Ms. Inday Barretto dahil nagso-solo na ito matapos ngang mamatay ang kanilang ama na si Mr. Miguel Barretto na pinag-ugatan ng bangayan ng magkakapatid.

Since then ay wala na silang parinigan na ang interpretation ng lahat ay pinakinggan ito ng pamilya Barretto.

Anyway, most photographed din daw si La Greta sa birthday party ni Mr. Felix Ang ng CATS na pinuntahan nila kung saan andun din ang partner ni Gretchen, si Mr. Cojuangco at present din ang friend niyang si Mr. Ang. 

vuukle comment

ATONG ANG

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with