^

Pang Movies

Priscilla nagulat sa hitsura ng EDSA

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Priscilla nagulat sa hitsura ng EDSA
Priscilla Almeda

Sa showbiz, may mga artistang nawawala at may mga nagbabalik.

Isa na roon si Priscilla Almeda na sumikat dahil sa mga TF or Titillating Films ng Seiko Films noong dekada ‘90.

Feel ni Priscilla na mag-comeback ulit sa showbiz para na rin makilala siya ng mga millennials dahil isa siya sa pinakakontrobersyal na boldstars noong ‘90s.

Tinalikuran ni Priscilla ang showbiz para sa hangad nitong magkaroon ng pamilya at magkaroon ng tahimik na buhay sa Alberta, Canada.

Ngayon ay may apat na anak na si Priscilla na ang mga edad ay 17, 8 and 4.

Para sa mga hindi kilala si Priscilla, una siyang nakilala sa pangalan na Abby Viduya. Na-introduce siya sa pelikulang Guwaping: The First Adventure in 1992 kung saan nagbida ang mga teenstars pa noon na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari Yllana.

Kontrobersyal na si Abby noon dahil sa tunay na edad nito na pilit niyang tinatago. Kine-claim niya na 14 years old lang siya, pero ang totoo ay 16 years old na siya noong mga panahon na iyon.

Dahil 15 years siyang nawala sa Pilipinas, nagulat daw siya sa malaking pagbabago ng lahat.

“So much has changed. I didn’t recognized EDSA and even the building where I used to live. There are so many new actors that I watch on TFC (The Filipino Channel) starting a few months ago to catch up. They are so good-looking and so talented. I particularly like Kathryn Bernardo. She’s so talented and so pretty. I watched some of her m­ovies including the last one (Hello, Love, Goodbye).”

Baka raw sa January 2020 ay makasama si Priscilla sa isang malaking teleserye. Huling napanood sa isang TV drama si Priscilla ay Sa Puso Ko, Iingatan Ka (2001) at Subic Bay (2000).

JC may bagong kambal

Masayang-masaya ang hot daddy at ang kauna-unahang Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco dahil sinilang na ng kanyang longtime partner na si Atty. Alu Dorotan ang kanilang twin daughters noong nakaraang October 25 sa St. Luke’s Medical Center.

Pinakita ni JC ang kanyang twins na sina Tali at Eli via Instagram.

Hindi pa rin daw makapaniwala si JC na isang daddy na siya at sa kambal pa. “Surreal. Di ako makapaniwalang I will be doubly blessed with 2 beautiful girls. Natatakot din dahil malaking responsibilidad. Pero generally, very, very happy.”

Nasa lahi raw kasi nila JC ang may kambal, pati na rin daw sa family ni Alu ay may twins.

Bale apat na ang ang mga anak ni JC. Ang eldest nila ni Alu ay si Ila who is now 4-years old. Sumunod ang lalaki na si Irie na 2-years old na.

Happy raw ang dalawang bata sa bagong bilang mga kapatid.

Kasalukuyang napapanood si JC sa GMA primetime teleserye na One of the Baes.

vuukle comment

PRISCILLA ALMEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with