^

Pang Movies

Lovi sinugod sa Bulacan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dimumog sa SM Baliuag sa Bulacan ang anak ni late Fernando Poe, Jr. na si Lovi Poe kasama si Joem Bascon para sa promo ng pelikula nilang The Annulment.

Maganda ang boses ni Lovi. Nagulat nga kami nang nilapitan namin siya dahil naalala pa niya kami.

Naimbitahan na rin kasi namin noon si Lovi sa piyesta ng Jaen, Nueva Ecija.

Baguhan palang noon si Lovi kasama ang kanyang manager na si Leo Dominguez.

Anyway, sa aming pagkikita ay humanga si Lovi sa bayan ng Baliuag dahil sa mga Christmas decors nito.

Muntik pa ngang maging cause ng traffic ang aktres dahil marami siyang fans. Buti na lang ay naisipan ito ng paraan.

May komento nga kaming nadidinig, maganda raw ang SM Baliuag. Kulang na lang ay magkaroon ng isang munting chapel para makapagsimba ang mga tao na pumapasyal dun.

Fans ni Bianca shocked sa kanyang ginawa

Ano raw kaya ang gustong palitawin ni Bianca Umali at bakit tila bigla itong nagpa-sexy?

Marami tuloy sa kanyang fans ang nagtatampo sa transition ng kanilang idolo. Naku, ayaw ni Ruru Madrid ng ganyan!

Imelda tagumpay ang concert

Masaya ang Juxebox Queen at Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin. Dinumog kasi ang concert niyang ginanap sa Philippine Arena kasama ng ilan pang de kalibreng singer. Imagine. Napuno niya ang venue sa rami ng tao.

Anyway, kung sa Las Vegas nga dinudumog si Mel, sa sariling bayan pa kaya niya?                                            

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with