^

Pang Movies

Aubrey at Troy may balak pa ring pakasal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Aubrey at Troy may balak pa ring pakasal
Troy, Aubrey

Back to her normal weight na si Aubrey Miles, ngayong 10 months old na ang baby girl nila ni Troy Montero, si Rocket, after niyang i-breast feed ito for seven months. Guest role nga lamang ang ginagampanan niya sa Santigwar.

“Mas gusto ko iyong mga sandali lamang ang role na ginagampanan ko dahil may mina-manage akong dalawang pawnshops sa Makati Shopping Center,” kuwento ni Aubrey. “Isinasama ko doon ang baby ko, and doing good naman ang pawnshops.  Kung dati ay mga alahas lamang ang isinasangla nila sa amin, ngayon, kahit mga gadgets, may nagsasangla na rin.

17 years na palang nagsasama sina Aubrey at Troy at may balak pa rin daw naman silang magpakasal, pero hindi pa ngayon. Tatlo na ang anak nila, 18 years old si Maurie ang first born ni Aubrey na ayaw mag-artista, 11 years old si Hunter na nasa La Salle Greenhills at si Rocket, 10 months old.

Alexa na-challenge sa pagiging albularyo

Masaya ang mediacon ng Santigwar, Bicolano word for faith healer, or albularyo. 

In attendance sina Alexa Ilacad, Marlo Mortel, Pam Gonzales, Marco Gallo, Paolo Angeles at Khean Johnson. May special participation din si Aubrey Miles.

Si Alexa ay anak ni Dan Fernandez na isang santigwar na lumalaban sa evil spirits. Na-challenge si Alexa sa kanyang role bilang anak ng santigwar, pero may lahi rin siyang aswang,

“mahirap po ang training, very tiring pero inspiring, sa first fight scene ko hindi ko na-control ang action ko, na-emergency po ako sa isang ospital sa Pagsanjan, pero fulfilling po iyon para sa akin.”

Sa Wednesday, October 30, na ang showing ng Santigwar in cinemas nationwide.

“It’s very creepy movie, so don’t miss it if you want a good scare come Halloween,” dagdag pa ni Marlo.

vuukle comment

AUBREY MILES

TROY MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with