^

Pang Movies

Kathryn at Daniel pinaplano na ang dream vacation house!

Gorgy Rula - Pang-masa
Kathryn at Daniel pinaplano na ang dream vacation house!
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

MANILA, Philippines — Napapangiti si Kathryn Bernardo nang kinumusta namin kay Daniel Padilla ang gagawin niyang pelikula next year na hindi kasama ang ka-loveteam.

Excited na rin kasi si Kathryn sa mga gagawin ng boyfriend na hindi siya kasama. Pero tiniyak naman siyang matutuloy na ang teleseryeng pagsasamahan nilang dalawa.

“Si DJ maraming hinahanda para sa fans niya, sa mga…basta next year marami silang aabangan kay DJ. And for the both of us, next year,” pakli ni Kathryn nang makausap namin nung nakaraang Sabado sa opening ng bagong negosyo nilang dalawa na Barbero Blues na matatagpuan sa 5th level ng SM The Block.

Wala pang masabi si Daniel kung ano ang pelikulang gagawin niya at kung sinong makakasama.  

Pero marami na ang nagsasabing mas gusto nilang si Sarah Geronimo ang makakasama niya.

“Sa ngayon po wala pang formal announcement kung ano talaga ang mangyayari.

“Pero kung sino man ang makakasama ko sa pelikula eh talagang yan ay pinag-usapan, pinag-isipan.

“Kami ni Kathryn ay pinag-usapan din namin yan…at yun lang. I-neutral lang natin.

“Kung sino man yun eh…alam mo kahit sino man ang ibigay sa akin, malaking opportunity iyun sa akin. Soon yan for next year,” safe na pahayag ni Daniel.

Mismong si Kathryn ang nagsasabing sana ganun din ang suportang ibigay nila kay Daniel

“Sa mga fans naman, we’re open about it.

“May gagawin din naman kami ni DJ together and we’re open about it. Pero bigyan din natin si DJ ng chance na gumawa ng alam mo yun na pelikula na siya.

“Supportive naman ang mga KathNiel eh, at nagpapasalamat kami dahil sobrang peaceful and very supportive sila,” saad ni Kathryn.

Wala pa silang masasabi kung anong teleserye ang gagawin nila. Ibabahagi naman daw ito sa lahat kapag mag-start na sila.

Samantala, sobrang tuwa ng magkasintahan sa kanilang huling bakasyon sa Iceland at napapag-usapan na nga raw nila ang susunod na lugar na pupuntahan nila.

Pero sa ngayon ay mag-focus daw muna sila sa trabaho.

“Trabaho. Kayod, kailangang pang pagtrabahuhan ulit.

“Always naman kami ni DJ na looking forward na pag may work, may vacation, especially pag mga out of the country, na-enjoy namin.

“This year, medyo maraming shows abroad, like may ASAP. Tini-take advantage din namin ‘yun na mag-relax, pero trabaho muna tayo,” pakli ni Kathryn.

Samantala, dahil sa negosyong pinagsamahan nilang dalawa, sinasabi na raw ng iba na meron na rin silang ini-invest na pinag-ipunan nilang dalawa.

Sabi naman ni Kathryn, meron na raw silang nasimulang investment pero hindi joint account. Magkakahiwalay daw na investment iyun na inaasikaso ng magulang nila.

“Separately, meron. Sina Tita Karla at si Mama, nag-invest sila sa lots, sa condominium ganyan. Sila yung nagtuturo sa amin sa mga ganyang bagay,” pahayag ni Kathryn.

Minsan ay nag-uusap daw sila sa vacation house na gusto nila, pero hanggang usap-usap pa lang daw silang dalawa.

“Ang dami naming dream vacation house na gusto namin ganitong itsura, pero hanggang dun pa lang. Hanggang usap pa lang sa ganyang bagay,” dagdag na pahayag ni Kathryn.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with