^

Pang Movies

Patricia Tumulak pinilit lang mag-beauty queen

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Patricia Tumulak pinilit lang mag-beauty queen
Patricia Tumulak

Dalawang beses lang pala sumali ng beauty pageant ang Kapuso TV host at bagong advocate ng GMA Kapuso Foundation na si Patricia Tumulak.

Kuwento ni Patty, ang mother daw niya ang pursigido na isali siya sa mga beauty pageant dahil frustrated beauty queen daw ito.

“Ang maging beauty queen kasi ang pangarap ng mommy ko noon. Kaso hindi nga natupad iyon kaya sa akin niya pinu-push iyon.

“Pinagbigyan ko naman ang mommy ko. Being a beauty queen was never my ambition. Naging masunurin na anak lang ako sa mommy ko,” ngiti pa ni Patty.

Naging kandidata si Patty sa Miss Earth Philippines 2009 at nakuha niya ang title na Miss Earth Philippines-Fire. In 2011 ay sumali siya ng Bb. Pilipinas Pageant at umabot sa Top 10 si Patty. Ang naging winner noon ay si Shamcey Supsup.

Sunod naman na pinasok niya ay ang TV hosting at nagsimula siya bilang HBD Girl ng Eat Bulaga.

“Actually, my beauty camp (Kagandahang Flores) wanted me to join another beauty pageant. Pero nasa Eat Bulaga na ako that time kaya tinanggihan ko na. Gusto ko nang mag-explore ng ibang options and TV was  opening new doors for me,” ngiti ni Patty.

Pinasok na rin niya ang acting at lumabas na siya sa mga teleserye na Calle Siyete, Super Ma’am at Magkaagaw.

Pero ang ma-involve sa public service ang sunod na gusto niyang gawin at right time raw ang pagkuha sa kanya ng GMA Kapuso Foundation.

“Natuwa ako kasi ang binigay nilang task sa akin ay ang Kapuso School Development. Graduate ako ng Child Development and Education Minor in Special Education.

“Nakapag-volunteer ako to teach sa isang public school and I have this story reading project sa iba’t ibang barangays. Ako mismo nakikipag-usap sa mga barangay leaders for coordination sa mga public schools sa area nila.”

Diego nag-bigay ng update

Nagparamdam kamakailan via Twitter si Diego Loyzaga.

Nagpo-post si Diego ng kanyang endorsements at minsan may pagbati siyang ginagawa.

Nagbigay din ng update si Diego tungkol sa kanyang Facebook page na hinack at nilagyan ng mga pornographic materials.

“They’re now posting pornographic materials. @facebook / @instagram please help. This is the URL: facebook(dot)com/officialdiegoloyzaga. They have just made me & my team as “analyst” of the page hence losing all admin privileges,” tweet pa niya.

Nagbukas na rin ng bago niyang Facebook page si Diego.

Mag-iisang taon na sa November noong biglang nawala sa showbiz spotlight si Diego dahil sa balitang nagtangka itong mag-suicide.

Dahil dito ay pinatay ang character niya sa teleserye ng ABS-CBN na Los Bastardos.

Noong July 2019, binalita ng kanyang inang si Teresa Loyzaga na maayos na raw ulit si Diego at kung magbabalik ito sa showbiz, siya na raw mismo ang magbabalita nito.

Ayon naman sa tiyahin niyang si Bing Loyzaga, naka-recover na raw si Diego sa naging depression nito, pero wala pa raw itong binabanggit kung ready na itong bumalik ulit sa showbiz.

Former Hollywood child actor na si Henry Thomas arestado

Inaresto ang former Hollywood child actor na si Henry Thomas dahil sa kasong DUI or Driving Under the Influence.

Ang 48-year old actor na nakilala dahil sa 1982 Steven Spielberg film na E.T. The Extra Terrestrial ay nakita ng mga pulis na tulog sa kanyang driver’s seat in the middle of a residential intersection in Oregon.

Nakatigil naman ang kotse pero halatang intoxicated ang aktor.

Noong magising ito, pinag-perform siya ng field sobriety test ni Sergeant Cooper of Tillamook County Sheriff.

“He was subject to a breathalyzer. I can’t get into the specefics, but we did find probable cause to arrest him.”

Dinala sa presinto si Thomas on suspicion of DUI based on the other signs of intoxication.

Kinunan siya ng mugshot at pinalaya na siya kinabukasan.

Kasalukuyang napapanood si Thomas sa Netflix horror series na The Haunting of Hill House.

vuukle comment

PATRICIA TUMULAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with