^

Pang Movies

Aktres pinapahirapan ang mga producer ng pelikulang pinagbibidahan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Namomroblema ang mga producer ng isang pelikula dahil hindi naki-cooperate sa promo ang bidang aktres.

Walang ibinibigay na schedule ang handler ng aktres dahil very busy ito, hitsurang hindi naman superstar ang category niya sa Philippine entertainment industry.

Disappointed na disappointed ang mga movie producer sa pagpapaasa na ginagawa sa kanila ng handler ng aktres.

May duda nga sila na baka hindi alam ng aktres ang mga pagpapahirap na ginagawa ng handler niya. Hindi naman makadiretso sa aktres ang mga movie producer para humingi ng schedule dahil nirerespeto pa rin nila ang handler na bisyo na yata ang mag-power tripping.

Mga tao naumay na sa awayan ng mga Barretto?!

Parang humupa na ang away ng Barretto sisters matapos magsalita sa TV Patrol sina Marjorie Barretto at Atong Ang.

Puwede rin na napagod na ang mga tao sa mga drama ng Barretto sisters.

Baka hindi na sila nalilibang dahil paulit-ulit lang ang mga paratang ng Barretto sisters laban sa isa’t-isa.

Puwedeng pinakinggan din ng Barretto sisters ang payo ni Atong na tigilan na nila ang pag-aaway dahil ang kanilang mga anak ang nabababoy.

Dra. Vicki napaiyak nang maalala ang naranasang bullying

Limang araw na napanood bilang hurado sa It’s Showtime si Dra. Vicki Belo na napaiyak kahapon dahil naalaala niya ang mga panahon na biktima siya ng bullying.

True ang sinasabi ni Vicki na nakaranas ito ng pambu-bully dahil adopted at mataba siya.

Ang traumatic experience niya sa kamay ng mga bully ang na­ging inspirasyon at nagpalakas ng loob ni Vicki kaya naging beauty doctor siya at nagkaroon ng advocacy na pagandahin ang lahat.

Nagtagumpay naman si Vicki dahil siya ang number one beauty doctor ngayon sa Pilipinas at kinikilala na rin sa ibang bansa ang kanyang husay.

Rita dedma sa pagiging chubby!

Umaariba pa rin sa ratings ang One of the Baes ng GMA-7 kaya masaya ako para sa cast at production staff.

Dalawa sa mga alaga ko ang mainstay ng One of The Baes, sina Amy Austria at Tonton Gutierrez na parehong enjoy sa taping ng primetime romantic comedy series ng Kapuso Network dahil hindi mabibigat ang kanilang mga eksena.

Walang iyakan, puro tawanan lang at higit sa lahat, magagaan din na katrabaho ang kanilang mga co-star.

 Si Rita Daniela ang lead actress ng One of the Baes. May mga nagsasabi na halatang-halata sa TV ang pagiging chubby ni Rita kaya dapat nang seryosohin niya ang pagpapapayat.

Wala akong makitang dahilan para magpa-pressure si Rita sa mga pumupuna sa chubby na pangangatawan niya.

Hindi naman sexy star ang kanyang image at actually, inspirasyon siya ng mga kabataan na may weight problems. Si Rita ang magandang halimbawa na hindi porke artista ka, kailangan na seksing-seksi ang katawan mo. Siya ang nagre-represent sa mga young star na hindi nga sexy pero nag-uumapaw ang talent sa pagkanta at pag-arte.

vuukle comment

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with