^

Pang Movies

Marjorie puwede raw makulong ng 4 na taon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Marjorie puwede raw makulong ng 4 na taon!
Marjorie Barretto

Kung marami na ang nagulat na si Karen Davila pa ang nag-interview kay Marjorie Barretto, aba mas matindi iyong kasunod. Ang veteran broadcaster at dating vice president ng Pilipinas na si Noli de Castro ang siyang nag-interview kay Atong Ang. Ang subject ay hindi naman national issue kung ‘di ang pinaka-controversial na tsismis sa ngayon, ang Barretto wars.

Mahahalata mo eh, pampataas ng ratings. Ang feedback namin, tinalo nila ang 24 Oras dahil sa interview nila kay Atong Ang. Kaya minsan, nasasabi tuloy na ang media ang dahilan kung bakit lumalaki ang mga ganyang iskandalo. Isipin ninyo iyong mismong mga anchorperson pa nila ang nag-interview doon sa subject na kaya namang gawin ng kanilang showbiz reporters.

Wala namang bagong sinabi si Atong sa interview, medyo nabago lang nang matanong tungkol kay Nicole Barretto, na hindi pa rin diretsahang ina­min na nakarelasyon niya pero sinabi niyang iginagalang kasi niya ang status noon ngayon na may kinakasama na at anak.

Ang matindi lang ay iyong paalala niya kay Marjorie Barretto na huwag sa kanya matakot kung di sa pamilya ni former Congressman Recom Echiverri matapos niyang aminin sa publiko na iyon nga ang ama ng kanyang bunsong anak. Sa isang usaping legal, iyon ay maliwanag na katiba­yan na nagkaroon nga sila ng pagtatalik at iyon ay adultery. Kung magsasampa ng kasong adultery, si Marjorie ay maaaring mahatulan ng prison correctional, ibig sabihin pagkakakulong ng mula dalawa hanggang apat na taon. Sa ating batas din, ang babae lamang ang hahatulan sa kaso ng adultery. Walang problema ang lalaki. Pero siyempre kailangan pa nilang patunayan sa hukuman na guilty nga siya.

Tapos nanawagan din si Atong na kung maaari magkasundu-sundo na sila alang-alang sa nanay nila, na tamang payo naman ng isang kaibigan ng pamilya. Iyon lang ang sinabi niya. Pero tumaas ang ratings ng TV Patrol ha.

Mga Pinoy ‘nabobola’ ng mga Koreano

Dumating sa Pilipinas ang Koreanong actor na si Cha Eun Woo. Ni hindi nila nakita ang mukha sa airport dahil nakasuot ng face mask. Sa kanilang mga announcement, magkakaroon siya ng meet and greet na tatagal lamang ng sampung minuto sa isang sinehan sa Cubao, tiyak dudumugin iyan ng fans.

Noong alisin ang face mask, magtatanong ka, ano nga ba ang kaibahan ng hitsura niya sa ibang Koreano? Maglakad ka sa Malate kung gabi, marami kang masasalubong na Koreano na halos ganyan din naman ang hitsura. Maglakad ka sa lugar ng mga casino sa Pasay, ang daming mga Tsino na baka mas matino pa ang hitsura. Bakit nagkakagulo sila sa mga Koreano?

Kasi nabe-brainwash sila ng kanilang mga napapanood na teleserye na puro Koreano, samantalang may mga magagaling at mas pogi naman tayong mga matinee idol na Pilipino. Iyang mga teleserye kasi ng Korea, nabibili nila nang mura iyan. Nagbabayad lang sila ng dubbers, malaking tipid na.

Pero kung iisipin ninyo, dahil sa maling kaisipang iyan, nawalan ng pagkakataon ang mga artista, manunulat, director at iba pang manggagawang Pilipino. Kung baga sa pagkain, de lata na lang iyan na iniinit na lang. Papaano mo sasabihing mas mahusay iyan kaysa sa sinadyang ginawa para sa atin?

Ito naman kasing mga Pilipino, sa halip na mag-isip ng mas creative, at mas magandang mga material, ginagaya ang gawa ng mga Koreano, o kung hindi man nire-remake pa pati mga pelikula nila.

Kasi naman kulang na kulang talaga sa creativity ang mga tao ngayon. Iyong creativity nila, ipinipilit nila iyong mga gusto nila, kaya puro indie na “indi” kumikita ang kinalalabasan ng mga proyekto nila. (Hey tito cute naman siya tito in all fairness. Hihihi. ’Yun nga rin ang problem kulang sa magandang material ang mga pelikula at teleserye natin kaya ganun. - Salve A.)

vuukle comment

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with