^

Pang Movies

Korina feeling 25 ulit

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Korina feeling 25 ulit
Korina Sanchez

Masayang-masaya and proud na proud si Korina Sanchez sa natanggap na Best Magazine Show and Best Magazine Show Host sa nakaraang 33rd PMPC Star Awards for TV para sa kanyang Rated K.

Feeling daw niya ay 25 yrs old siya ulit at bagama’t nanalo na rin siya before ng nasabing dalawang awards, indescribable pa rin daw ang feeling up to now.

Wish niya nga na sana raw ay makatanggap pa rin siya ng awards kapag malaki na ang twins niya na sina Pepe & Pilar.

“Sana naman, sa lifetime ng mga anak ko, makapanalo pa rin ako ng mga awards para masabi naman nila na ‘uy buhay na ako ng mga panahon na ‘yun, nanalo pa rin ang nanay ko!’” masayang wika ni Korina nang makausap namin matapos niyang tumanggap ng award.

Aniya, ang lahat daw ng ginagawa niya ngayon ay para sa kanyang dalawang anak at gusto niyang mag-set ng magandang example sa mga ito.

Magkaiba raw ang ugali ng kanyang 2 anak. Medyo happy go lucky raw si Pepe pero si Pilar ay medyo suplada pero hindi raw dapat sabihin sa bata ‘yun.

First Halloween nga ni ate Koring with the kids ngayong Nov. 1 at pinag-uusapan nga raw nila kung ano ang kanilang gagawin.

Arron, ‘kuya zoned’ kay Kira

Big step para sa Star Magic talent na si Kira Balinger ang makapareha si Arron Villaflor sa episode ng Ipaglaban Mo titled Barang na mapapanood ngayong Sabado, Oct. 26. Siyempre, bilang baguhan pa lang siya, isang honor daw sa kanya na makasama ang mga datihan nang artista.

Nagkasama na raw silang dalawa before sa The Greatest Love pero sa naturang serye ay hindi raw sila magkapareha.

“So, to be able to have a legit role with kuya Arron, it’s like a big step naman. Pero so far, nakaka-happy kasi siyempre, mas nakikilala mo si kuya Arron,” sabi ni Kira sa Kapamilya Chat online interview.

Ayon namay kay Arron, medyo bata pa si Kira noong makasama niya sa The Greatest Love at ngayon nga ay dalaga na ito.

“Cute siya rati. Pero ngayon, gandang-ganda na ako sa kanya,” sey ni Arron.

Dahil kuya nang kuya si Kira kay Arron, bandang huli ay nagbiro na ang aktor na na-kuya zone na raw siya agad.“Sobrang magalang itong si Kira, eh. Kaso minsan, parang nakakainis na,” natatawang sabi ni Arron pero dugtong naman niya, “joke lang. sobrang love ko ‘to.”

Anne at Jasmine walang sakitan

When Jasmine Curtis asked kung hindi ba sila umaabot sa puntong nagsasabunutan sila ng ate niyang si Anne Curtis kapag nag-aaway sila, ani Jasmine, “wala, my God! Kahit kurot-kurot ng kili-kili, walang ganu’n. Wala, hindi talaga.

Besides, mabibilang lang daw talaga sa daliri ang kanilang mga away ni Anne.

“Three times lang siguro kami nagkaroon ng problema ni ate, and that’s small or tampo lang. Hindi siya ‘yung tipong lumaki. So, wala, as in ang hirap sagutin, kasi wala,” she said sa presscon ng pelikula Cara X Jagger.

Dagdag pa ni Jasmine, “peace, love and happiness lang sa amin.”

Samantala, ang Cara X Jagger ay unang pagsasama nina Jasmine at Ruru Madrid sa isang pelikula. Ito rin ang kanilang first lead role pareho in a mainstream movie kaya naman sobrang happy and excited sila sa pelikula na ipalalabas na ngayong Nov. 6 mula sa direksyon ni Ice Idanan.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with