^

Pang Movies

Ruffa at Annabelle pinagtulungan si Gretchen!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruffa at Annabelle pinagtulungan si Gretchen!
Ruffa, Anabelle, Gretchen

Dawit na rin ngayon ang mag-inang Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez sa away ng Barretto sisters.

Nagsimula ito nang mag-comment si Ruffa sa Instagram post ni Julia Barretto ng “freshhhhhh” na may kasamang tatlong star eyes emoji.

Obvious na hindi ito nagustuhan ni Gretchen Barretto dahil ini-screenshot niya ito at ipinost sa kanyang Instagram account with caption, “sawsaw pa more Ruffy!! Take it take it.”

Siyempre, as always and forever, to the rescue ang nanay ni Ruffa at nag-post sa kanyang Instagram account bilang pagtatanggol sa anak.

Sa kanyang post ay ni-lambast niya si Greta na deleted na ngayon pero nakunan ng iba’t ibang showbiz blogs and websites ang nasabing post.

“Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?

“Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa’yo ang comment?! Dapat kang magalit sa mga nag-post ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane.

“Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa ‘yo. Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react!” ang mahabang litanya ni Annabelle na burado na.

Nag-post din si Ruffa sa kanyang IG na tila sagot din kay Greta.

“The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF” ang post ni Ruffa at nilagyan ng hashtags na “HappyLife,” “HappyGirl” at “PositiveVibes” na puwede mong isiping pang-asar kay Greta.

Nagpahayag naman si Annabelle ng suporta sa anak sa comments section

“Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!” ang komento ni Momshie Annabelle.

Sumagot naman si Ruffa na halatang na-touch. Aniya, “@annabelleramaig is this really you mother dear??? I love you too awwww THANK YOU. #family.”

Kasabay nito ay nag-post din siya sa kanyang IG Story ng pasasalamat sa pamilya at mga kaibigan at statement na rin hinggil sa issue.

“Thank you Lord for the gift of family & true friends. I no longer sit at tables where I might be the topic when I get up. Love love loveeee,” ang mensahe ni Ruffa.

Hindi pa rito natapos dahil kahapon ay may bagong post si Ruffa na family picture nila with matching positive caption but at the same time, you’d think na isa itong pasaring din sa pamilya Barretto.

“Waking up today with a grateful heart. Taking a moment to breathe, pray and be thankful for the gift of family. Masaya, minsan nagkakatampuhan, maingay (lalo na si mommy ) pero ang pinakaimportante nagtutulungan at nagmamahalan kami. I love you fambam!!  #Blessed #FamilyLove #HappyLife,” ang caption ni Ruffa sa family photo nila.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with