Zia waging best costume sa Halloween!
Palung-palo ang paandar na Halloween costume ni Zia Dantes sa school nitong nakaraang araw. Isang freak clown ang konsepto niya at take note, hindi lang costume ang pasiklab niya pati buhok at make up, huh!
Recycled materials ang ginamit sa costume ng anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Saad ni Yan sa caption sa pictures ni Zia sa Instagram, “Freaky clown costume made with recycled materials for school today. Congratulations, anak!”
Sey ni Dong, “Congratulations! Gujab, Mama!”
In full smile si Zia na habang hawak-hawak ang plaque ng panalo niya bilang best costume na nakasaad ang mga salitang, “You gave us quite a fright. Congratulations for best the BEST IN COSTUME.”
Nabawing muli ni Zia ang award dahil sa isang costume event sa school eh, hindi niya ito napalunan.
Daniel at Kathryn magkasosyo na sa negosyo
Nagsosyo sa negosyo ang reel and real sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Inilantad ni Karla Estrada, nanay ni Daniel, sa recent post sa Instagram kung anong negosyo ang pinasok ng dalawa – isang barber shop.
Barbero Blues ang pangalan ng shop at located ito sa SM The Block sa QC. Bukas, Sabado, Oktubre 26, ang grand opening nito na pupuntahan nina Daniel at Kathryn.
May career na, may negosyo pa sina Kath at DJ, huh!
Of course, malayo pang mangyari na magpakasal ang dalawa!
- Latest