^

Pang Movies

Sarah maraming paiiyakin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sarah maraming paiiyakin
Sarah Geronimo

This Monday, October 21, ang premiere night ng Unforgettable, ang pelikula ni Sarah Geronimo sa Viva Films at The Idea First Company nina directors Jun Lana at Perci Intalan na siya ring directors ng movie. Walang leading man dito si Sarah at sa halip, ang Jack Russel Terrier na aso na si Milo ang kasama.

Sa comment ni director Daryll Yap na ‘yung talent fee niya sa Jowable ay gagamitin niya para magpa-block screening sa Unforgettable dahil gandang-ganda siya sa movie. Sumilip daw siya habang isinalang sa post-production ang movie at gandang-ganda siya sa napanood.

Nabasa naman namin ang paalala ng Viva Films na magdala ng tissue ‘pag pinanood ang Unforgettable star­ting Oct. 23 dahil siguradong iiyak kayo, lalo na ang may mga alagang fur babies na manonood, tutulo ang mga luha ninyo sa adventure nina Jasmine (Sarah) at Happy (Milo, the dog).

Sharon at Gabby gagawa ng korean adaptation na pelikula?!

Nanood sa second night ng Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez si Mr. Vic del Rosario at habang nasa stage, sinabi nito kay Boss Vic na gagawin nito (Sharon) ang movie project na in-offer ng Viva Films sa kanya. “I’ll do ito,” ang sabi ni Sharon na ikinangiti ni boss Vic.

Ibinalita rin nito kay Boss Vic na bati na sila ni Gabby Concepcion na ibig sabihin, puwede na silang magtambal uli.

Nalaman naming adaptation ng Korean movie na Sunny ang gagawin ni Sharon. Maganda sana kung makasama ni Sharon si Regine sa nasabing pelikula para hindi lang sa concert sila magkasama.

Nabanggit din ni Sharon ang planong semi-retirement at nagpasalamat na bago mangyari ‘yun, nakasama muna niya sa concert si Regine. Ipinaalala rin nito na tuloy na itu-tour nila ang Iconic next year.

Sabi rin nito kay Regine, nakakita siya ng kaibigan. Mabibilang lang daw ang friends niya, pero makakaasa si Regine ng kanyang loyalty at love. ‘Kaaliw rin ang mga parinig ni Regine na umaarbor ng alahas kay Sharon na sinagot ni Sharon na binigyan na siya ng singsing.

Sa presscon ng Iconic hindi nabanggit kung sino ang producer ng concert, but during the concert, may TVC sina Sharon at Regine ng Frontrow at nang i-promote ng dalawa, ang lakas ng palakpak nina RS Francisco at co-owner ng Frontrow.

Hannah lalaban sa Dangdut...

Si Hannah Precillas ang ipinadala ng GMA Network sa Indonesia at isa sa five na kasama sa Team Philippines na lalaban sa Dangdut Aca­demy Asia 5. Nagsimula na yata ang contest dahil sa countdown, two days na lang daw at contest na.

Isa si Hannah sa ipinagmamalaking talent ng Kapuso Network pagdating sa singing. Ilang theme song na ng teleserye ng GMA 7 ang kinanta nito at laging maganda ang feedback ng viewers.

Nababasa naming may nagko-comment na Indonesian fans sa Instagram (IG) ni Hannah at dadami pa sila kapag siya ang nanalo sa singing contest.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with