^

Pang Movies

Startalk biglang na-miss dahil sa showbiz controversies

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Marami ang nakaka-miss sa Startalk dahil sa latest controversy tungkol sa Barretto sisters.

May mga nababasa ako na panawagan sa social media na ibalik ang Startalk dahil tuwing may malalaking showbiz scandal, laging nangunguna at nauuna sa balita ang former Saturday showbiz talk show namin sa GMA 7.

Hindi natin masisisi ang mga mahihilig sa showbiz tsismis sa kanilang apela na ibalik sa telebisyon ang mga talk show.

Alam kasi nila na kapag ang Startalk ang naghatid ng balita, hindi fake news. Hindi kagaya ng mga napapanood at nababasa nila sa social media.

Unlike sa Startalk noon na talagang pinagkakatiwalaan ng mga artista dahil nagsasalita at nagpapainterbyu sila sa aming programa.

Sa totoo lang, hanggang ngayon, may mga tao na hindi alam na matagal nang nag-babu sa telebisyon ang Startalk.

Rhea binigyan ng Japan trip ang mga ambassador

Alam mo ba Salve na pupunta ng Japan ang beauty ambassadors ng Beautederm? Talagang binigyan sila ng bonus ni Rhea Tan para makapag-bonding silang mabuti at magkaroon ng ‘me’ day.

Halos lahat ng beauty ambassadors kasama at four days sila sa Japan at gastos lahat ng Beautederm ha?

Bongga talaga ang Rhea Tan, napaka-generous kaya naman balik din sa kanya lahat ng biyaya sa pamamagitan ng success ng  negosyo niya.

Sobra sa bongga ngayon ang Beautederm at hindi rin puwede na hindi isali sa tagumpay ni Rhea ang wind beneath her wings, ang kanyang asawa na si Sam na napakabait at tahimik lang na tumutulong sa kanilang negosyo.

Ito ang talagang case ng people chemistry, maganda ang kumbinasyon nilang dalawa kaya doble-doble ang success ng Beautederm.

Buti na lang may travel fatigue ako kaya hindi ako sasama sa Tokyo trip nila or else lahat sila haharbatan ko ng baon sa Japan. Hahaha, maloka sila.

vuukle comment

STARTALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with