^

Pang Movies

Arjo ‘di sumuporta sa pelikula ni Maine

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Arjo �di sumuporta sa pelikula ni Maine

Tulad ng inaasahan, hindi nga dumating si Arjo Atayde sa premiere ng pelikulang Isa Pa With Feelings nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na ginanap nung isang gabi sa cinema 7 ng Megamall.

Sayang at hindi niya nasaksihan kung gaano ka-successful ang nasabing event at kung gaano na-win ng kanyang girlfriend na si Maine ang paghanga ng mga nanood, dala ng kanyang maganda at nakakatuwang performance sa movie.

Isa Pa…, co-produced by Blacksheep Productions and APT Entertainment, marks Maine’s first time to co-star with Carlo in a movie.

In any case, as expected marami sa mga fellow Kapuso ni Maine ang dumating, at pinangunahan ito ni Tony Tuviera, producer ng noontime program na Eat Bulaga at head ng APT Entertainment.

Namataan din namin si Benjie Paras, na nang tanungin namin kung mag-aartista rin ba ang isa pa niyang anak na top cager na si Kobe Paras ay nakatawang sumagot at nagpapapresyo pa.

Ang ganda naman ngayon ni Angelika dela Cruz, who still appears occasionally sa mga teleserye ng Kapuso, kahit na mataas na ang kanyang posisyon sa kanilang barangay sa Malabon.

Ganundin ang anchor, newscaster at TV host na si Julius Babao who came with wife, Tintin Bersola, na kahit may dalawa nang anak ay sexy pa rin at attractive.

Of course nandun din ang co-stars nina Maine at Carlo sa pelikula, bagama’t ang nakausap lang namin ay si Cris Villanueva, na gumanap na ama ni Maine. Very prominent ang presence ng head ng Star Cinema, si Direk Olive Lamasan. Prime Cruz directed Isa Pa With Feelings.

Sa kanyang karakter bilang deaf mute, nag-aral ng tutorial lessons si Carlo ng sign languages.

No wonder napaka-effective niya sa kanyang role katambal si Maine na natural na natural din sa role niya na isang underboard architect na na-inlove sa isang instructor na pipi at bingi.

Yamyam planong pakasalan ang GF

Inamin ng big winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Otso na si Yamyam Gacong na maraming nabago sa kanyang buhay.

Galing siya sa isang poor family in Bohol with his mom, now lives in a condo unit dito sa Metro Manila which was part of the many prizes he received.

Dati-rati raw ay takot gumamit ng elevator ang kanyang ina to get to the unit they occupy. Pero ngayon daw ay araw-araw na itong sumasakay.

Bukod doon, hindi pa rin daw ito marunong gumamit ng washing machine, kaya sa tuwing naglalaba raw ito ay tinutulungan niya.

Kasama na ngayon si Yamyam, together with his dating fellow housemate sa bahay ni Kuya, ang Japanese vlogger na si Fumiya sa weekly sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet nina Toni Gonzaga at Vhong Navarro. Kasama rin sina Clarence Delgado, Miles Ocampo, Bayani Agbayani, Rio Locsin at Luis Manzano.

Kasama rin siya sa upcoming movie ni Vhong na Mang Kepweng, pero hindi pa raw niya alam ang exact role niya bagama’t alam niyang comedy ito.

Asked where he placed his prize in cash, ani Yamyam, ibinangko daw muna niya ito. Balak daw kasi niyang magpatayo ng bahay for his family in Bohol, and God willing magtatayo raw siya ng panaderya at papangalanan niyang Yam Yam Bakery.

Three among his brothers daw ay bakers.

Minsan nang binanggit on TV ni Yamyam na may girlfriend na siya, at in time ay he plans to marry her.

Sunud-sunod ang trabaho, Direk Cathy hindi na matutuloy sa pagre-retire!

Si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng reunion project nina Liza Soberano at Enrique Gil. May titulo itong Make It With You.

Mukhang hindi matutupad ang kanyang plano na mag-retire next year para makapagpanibagong buhay abroad kasama ang dalawang anak sa kanyang late husband. Kasama niya rin roon sana ang kanyang bagong pag-ibig.

Nakatakda pa rin niyang idirek ang Piolo Pascual-Claudine Barretto reunion movie, na ang kabuuan ay kukunan sa Florence, Italy.

And how about if John Lloyd Cruz decides na humarap muli sa camera. ‘Di ba nangako si Direk Cathy na siya ang magdidirek ng comeback film nito?

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with