^

Pang Movies

Pagiging reklamador nakaka-cause ng cancer at stroke!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kahit ano pa ang sabihin ng ibang mga tao, paborito ko pa rin na airline ang Philippine Airlines na flag carrier ng ating bansa Salve.

Sa tagal na pagbibiyahe ko at kahit pa nagkakaroon ng delay ang PAL flights, wala pa rin tatalo sa service ng kanilang staff.

Mababait ang mga stewardess, kampante ang mga pasahero dahil very capable ang mga piloto, lalo na ngayon na marami sila na mga bagong eroplano kaya mas masarap at komportable ang pagsakay.

Hindi dapat na maging mapaghanap, mareklamo o masyadong sensitive ang mga Pilipino sa mga maliliit na bagay dahil dito nakikita ang strength of character ng isang tao, kapag pag natatanggap nito ang lahat ng mga pangyayari sa paligid niya na hindi siya magiging upset.

Hindi ‘yung konting pagkakamali, agad-agad na nagrereklamo.

Naalaala ko tuloy ang madalas sabihin ng isang aktor na alaga ko. Ayaw niya ng stress dahil hindi niya pinangarap na magkaroon ng kanser.

Ang pagiging reklamador ng ibang mga kababayan natin ang puwedeng dahilan kaya mataas ang risk ng pagkakaroon ng cancer at stroke dahil maigsi na ang kanilang mga pasensya.

Kung hahayaan lang natin ang maliliit na problema at hindi tayo masyadong mapaghanap, hindi iinit ang ulo, hindi maiinis at makikita natin na maayos ang lahat.

Basta kahit ano pa ang sabihin  o paninira, for me, PAL is one of the best airlines in the world. Pilipino ‘yan kaya ipagmalaki natin.

James naiipit sa gitna

Lumitaw rin ang katotohanan na hindi natuwa ang tatay ni Nadine Lustre nang ipareha si James Reid kay Nancy ng Momoland sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Ang feeling daw ng fadir ni Nadine na si Ulysses, sinadya ng ABS-CBN na itambal sa iba ang boyfriend ng kanyang anak para mabuwag ang JaDine loveteam.

Ang nakakaloka, hindi napanindigan ni Ulysses ang kanyang mga Facebook rant dahil binubura niya.

Burado ang naturang rant pero huli na dahil marami na ang nakapag-screenshot.

May mga nakikisimpatiya sa ama ni Nadine pero may mga nagsasabi rin na hindi siya dapat ma-threatened dahil nauna naman ang kanyang anak na tumambal sa ibang aktor, kina Sam Concepcion at Carlo Aquino.

Hindi pa nagsasalita si Nadine tungkol sa rant ng tatay niya pero may tsismis na hindi rin siya agree na ipinareha ang kanyang boyfriend kay Nancy.

Affected umano si Nadine kaya naiipit si James sa dalawang nag-uumpugan na bato, ang kanyang girlfriend at ang tatay niya na si Malcolm.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with