^

Pang Movies

Sharon ayaw ng nega sa Iconic

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Feeling ni Megastar Sharon Cuneta na very mean ang mga basher na pumupuna sa parating na concert nila ni Asia’s Songbird, na tiyak daw na may sapawang mangyayari sa kanila sa two-night Ico­nic concert nila sa Araneta Coliseum sa Friday, October 18 and Saturday, October 19.

Sinagot ito ni Sharon sa mediacon na ginanap sa Novotel Manila.

“I’ve always said na Regine is the better singer, but we have two different styles. I also know my strength. We both have come so far for different reasons and those reasons are all valid.

“It’s true that I have so much respect and admiration for Regine, but you know, I’m not naman a starlet who’s coming from nowhere. I’ve worked hard also, to get where I am. So it’s coming of two different personalities, and I hope they respect that.”

Wala raw magaganap na sapawan sa kanila dahil hindi raw ito singing contest na may showdown. Tanggap daw niyang si Regine ang best singer ng bansa. Mahal na mahal niya si Regine at huwag daw namang sirain ang kanilang coming concert na tinawag nga niyang isang celebration.

Sumagot din si Regine, na never siyang naki­pagsapawan sa mga nakaraan na niyang concert.

“Kapag may concert ako, hindi ako nakikipag-contest sa mga guest ko. Yes, kontesera ako noong araw na nagsisimula pa lamang akong kumanta, pero iba na ngayon. Obviously, me and Ate (tawag niya kay Sharon) have different styles. Nakatrabaho ko na rin ang ibang artists na iba rin ang style sa akin. Hindi po ako nanlalamon, hindi ako cannibal,” biro pa ni Regine.

Magkaiba ang boses nila pero maganda ang blending nila, kaya pinalakpakan sila nang pagbigyan nila ang media sa request na kantahin nila ang isa sa pamosong kanta ni Sharon, ang Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan,na sinulat ni Baby Gil ng Viva Entertainment, dahil hindi nila alam kung isa ito sa mga duets na gagawin nila.

“Perfect pitch kasi si Ate.  At ngayon ko nga lamang nalaman na talagang napakaganda pala ang kanta niyang Bituing Walang Ningning na mas gumanda ngayong binigyan ng bagong areglo ni Louie Ocampo na duet naming kakantahin ni Ate, nakakaiyak.”

Carlo umapir sa Kapuso 

Kung nag-guest si Maine Mendoza sa ilang shows sa ABS-CBN to promote their first movie team up ni Carlo Aquino, ang Isa Pa With ­Fee­lings, ngayon naman, turn ni Carlo na mag-guest sa isang GMA show.  Pinayagan si Carlo na mag-guest sa Eat Bulaga kahapon ng tanghali.  

Sa October 16 na ang opening nationwide ng kanilang movie na produced ng Blacksheep Productions at APT Entertainment.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with