^

Pang Movies

Regine laging nabibiktima ng racial discrimination

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Regine laging nabibiktima ng racial discrimination

Naunang dumating si Regine Velasquez sa Iconic concert presscon nila ni Sharon Cuneta, kaya nakipagkwentuhan muna sa media na walang kinalaman sa concert. Napag-usapan ang racial discrimination na nangyari sa kanya at naging laman ng kanyang vlog. Madalas palang mangyari sa kanya ‘yun at ‘yung nasa vlog niya, hindi pa ‘yun ang pinaka-grabe.

Nasabihan na siya na hindi niya maa-afford ang presyo, napapahiya lang ang nang mamaliit sa kanya kapag naglabas na siya ng dollars. Sa kanyang vlog, makikita ang walk in closet ni Regine na puno ng branded shoes and bags na sabi nito, marami na ang nawala.

Noong wala siyang pera dahil walang trabaho, ipina-o-auction niya ang bags at shoes niya at ang napagbibilhan, dino-donate siya sa mga fund raising at sa panahon ng kalamidad.

Wala pa sa plano ni Regine ang mag-retire, kahit semi-retirement na plano ni Sharon within two years.

Pinayuhang idemanda ang bashers  

Tatay ni Alden tinapos ang pag-iilusyon ng AlDub!

Patuloy na inaaway ang dad ni Alden Richards na si Richard Faulkerson Sr. Dahil sa comment nitong “Fiction” ang nasulat na pagsundo ni Alden kay Maine Mendoza sa last shooting day nito ng Isa Pa with Feelings. Tapos, hinintay pa raw ni Alden si Maine sa van, kasama ang nanay ni Maine.

Seven letters lang ang word sa sagot ni Mr. Faulkerson, pero dahilan na para sugurin siya ng ilang AlDub fans at pagsalitaan ng kung anu-ano. Ang sagot nito sa pang-aaway at pamba-bash ng Aldub fans pa naman ay “Sanay na ako ma-bash.”

Gaya ni Alden, immune na si Mr. Faulkerson sa pamba-bash sa kanya tuwing may nililinaw siya at binabasag na maling kuwento ng ilang AlDub fans. Ang payo nga sa kanya ng fans ni Alden, sampulan ng demanda ang ibang fans para matigil ang paninira sa pagkatao niya.

Heart nagmukhang wax figure ni Audrey Hepburn

Nag-ayos Hollywood iconic actress Audrey Hepburn si Heart Evangelista sa 50th birthday party ng husband niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Ginaya ni Heart ang suot ng Hollywood actress na black dress, pati jewelry at bangs at kuhang-kuha ni Heart si Ms. Hepburn.

Ang ganda ng comments ng netizens na sa ganda ni Heart, para siyang wax figure ng Hollywood icon. Mababasa rin ang comments ng mga taga-showbiz, kahit hindi ka-close ni Heart at sa kanila, ang kanyang pasasalamat.

May nag-comment pa na ano kaya ang isasagot ni Heart kapag tinanong ni Chiz kung magkano ang nagastos sa 50th birthday niya? Remember, may video si Heart na pinost na tinanong siya ni Chiz kung magkano ang nagastos ni Heart sa trip niya sa New York at Paris sa pagdalo sa New York Fashion Week at Paris Fashion Week . Hindi nakasagot si Heart at bigla siyang nag-disappear.

Carlo at Maine todo promote 

Magkasamang nag-promote kahapon sa Eat Bulaga sina Carlo Aquino at Maine Mendoza to promote their movie Isa Pa with Feelings na showing na sa October 16. PG o Parental Guidance ang rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) sa APT Entertainment at Black Sheep movie directed by Prime Cruz, hintayin natin ang grade na ibibigay ng CEB(Cinema Evaluation Board) sa movie.

 

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with