^

Pang Movies

Sunshine at Macky pinag-iisipang mabuti ang kasal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine at Macky pinag-iisipang mabuti ang kasal

Sobra naman talaga ang mga tsismis. May lumabas na pictures lang si Sunshine Cruz kasama ang kanyang boyfriend na si Macky Mathay at ang mayor ng San Juan na si Francis Zamora, may gumawa na agad ng tsismis na baka nagpakasal na sila kay mayor. Iyon daw kasing ayos ng picture mukhang kasalan na eh.

Pero hindi nila naisip, kung may kasalang naganap, kailangan may mga witness. Sa picture walang ibang tao kung di silang tatlo lang. Sino ang tumayong ninong at ninang o mga witness sa kasal?

Ang totoo nagkita lang si Sunshine at si Macky dahil birthday nga ng huli, at dinaanan lang nila ang office ni Mayor Francis na kaibigan nila.

Ang isa pang tanong, si Sunshine nakuha na ang annulment ng kasal nila ni Cesar Montano, pero hindi pa maliwanag kung nakuha na rin ni Macky ang annulment ng kanyang kasal kay Camille Fariñas. Mukhang iyon ang wala pang desisyon at hanggang wala iyon, papaano nga ba sila magpapakasal?

Sa ngayon hindi naman itinatago ni Sunshine na boyfriend nga niya si Macky, the same way na sinasabi niyang ok lang naman sa kanya na may asawa nang iba si Cesar. Kahit na may tatlong anak sila, sigurado naman siyang hindi na sila magkakabalikan pa. Ayaw na rin niya.

Pero ang paliwanag nga ni Sunshine, kahit na sabihing sigurado na sila sa feelings nila, hindi ganoon kadali ang desisyong magpakasal na muli. Ang iniintindi kasi nila ay hindi lang ang damdamin nilang dalawa ni Macky kung ‘di ganoon din naman ang damdamin ng kani-kanilang mga anak. Tatlo rin naman ang anak ni Macky kay Camille. Kailangang hindi lang silang dalawa kung di nakaayos din naman ang mga bata sa papasukin nilang relasyon.

James at Nadine malabo nang makabangon ang loveteam?!

Sa comments ng fans ni Nadine Lustre sa mga post ng tatay niyang si Dong, may lumalabas na mukhang masama rin ang kanilang loob na may tinanggap na serye si James Reid na hindi si Nadine ang leading lady. Kahit na sabihin pa ni James na hindi iyon isang love team, mayroon pa rin silang feeling na naiwan si Nadine.

Ang inaasahan kasi nila, ang isang project na katambal ulit si James ang makakapagbangon sa kanilang idolo na naging malaking flop ang dalawang magkasunod na pelikula. Nauna riyan may nagsasabing may gagawin silang serye sa ABS-CBN, pero ngayon nga maliwanag na hindi pala si Nadine iyon kundi si Nancy ng Momoland.

Sa tingin naman namin, ang unang mali sa kanilang career move ay noong magdesisyon sina James at Nadine na mag-live in. Iyon talaga ang mali.

Young actress nagbababad sa bahay ng inagaw na dyowa

Hindi namin alam kung papaano pa maitatago ng “malanding bata” ang kanyang mga nagawang pagkakamali ngayon dahil maugong na maugong ang tsismis ng kanyang relasyon sa male star na sinasabing inagaw lang naman niya sa iba. Maaaring napatahimik nila ang issue dahil talagang kumilos ang kanilang mga handler para patayin ang mga kuwento, at alam naman ninyong sa ngayon ay “maraming takot na hindi na makumbida sa mga presscon”.

Pero hindi maitatago habang panahon iyong kanilang mga ginagawa off camera. May nagsasabi pang ang malanding bata ay madalas na nagpupunta sa bahay ng kanyang “inagaw na boyfriend”.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with