^

Pang Movies

Sharon at Regine naiinis sa pang-iintriga ng bashers na magiging singing contest ang Iconic!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sharon at Regine naiinis sa pang-iintriga ng bashers na magiging singing contest ang Iconic!
Sharon, Regine

Sa presscon kahapon ng Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid, natanong ang huli sa guesting niya sa pelikula ni Sarah Geronimo under Viva Films, ang Unforgettable.

Walang problema kay Regine kung sakaling inilabas man sa teaser ng pelikula ang kanyang eksena.

Binanggit din ni Regine na nag-guest din siya sa Momalland, ang pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis para sa Metro Manila Film Festival 2019.

Isa si Regine sa napakaraming nag-guest sa pelikula nina Vice at Anne.

Anyway, going back to Iconic, gaganapin ito sa Araneta Coliseum on October 18 & 19, hindi nagustuhan ng dalawa ang pang-iintriga ng iba na magmumukhang singing contest ang kanilang concert dahil magpapatalbugan silang dalawa.

Wala raw sa isipan nilang dalawa ang magpatalbugan.

Sabi ko naman sa kanila, huwag na nilang isipin pa ‘yon dahil bashers will always be haters!

Ang mahalaga, sold out na ang first night nila at almost sold out na rin ang tickets sa second night ng Iconic.

Saka masaya sila na magkasama sa concert na ‘yon.

Marami nga ang nagsasabi sa kanila ba dapat ay pelikula na ang next sa Iconic, pero puno na ang schedule nilang dalawa, so, kung sakali man, baka next year na mangyari ‘yon.

Ang suggestion ko naman sa kanila, kunan ang ibang mga eksena ng pelikula (kung sakaling gagawa nga sila) sa iba’t ibang lugar sa Amerika at Canada habang nagto-tour sila roon ng Iconic.

Maganda rin kung sila-sila na mismo ang magpo-produce, huh!

Ang bongga!

Oo nga pala, sa Novotel Hotel sa Araneta City ginanap ang presscon ng Iconic kahapon.

Ruffa tinotodo na ang pagbabalik-alindog

Magaling na si Ruffa Gutierrez kaya naaasikaso na naman niya ang pag-e-exercise at diet.

Nagpa-pilates din si Ruffa.  Maraming mga proyektong gagawin si Ruffa, kaya naman kailangan na naman niyang magbalik-alindog program.

In fairness to Ruffa, kapag gusto niyang pumayat, talagang todo-todo siya sa pagda-diet and exercise.

Buhok ng aktres sa afternoon series puro split ends

Nanood ako ng isang afternoon series kahapon. Kaloka lang ang isang cast dahil ‘yung buhok niya ay nangangailangan na ng treatment.

Puro split-ends ang buhok ni aktres.

‘Yung kaeksena naman niya na isang aktres na na-maintain ang youthfulness ay ang ganda-ganda ng buhok, kaya lalong napansin ang panget na buhok ni aktres.

‘Yun na!

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with