^

Pang Movies

Drew mas gustong mag-alaga ng anak kesa gumimik

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Drew mas gustong mag-alaga ng anak kesa gumimik
Drew

Bukod sa 14 years nang isang Kapuso ang award-winning TV personality at host na si Drew Arellano, ang isa pang hindi niya nakakalimutang ikuwento ay sa GMA Network din niya nakilala ang wife niyang si Iya Villania-Arellano. 

Una silang nagkasama sa youth-oriented show na Click. Pero kahit nasa ABS-CBN na si Iya ay hindi natapos ang kanilang magandang relasyon. 

Ngayon after 14 years, may dalawang anak na sila, ang three-year-old na si Primo at ang one-year-old na si Leon. “Bago pa man kami ikinasal ni Iya noon, gusto ko na talagang maging isang mabuting ama, kaya naman para mabigyan ko ng oras ang aking pamilya, tatlong beses lamang sa isang linggo ako nagtatrabaho dahil gusto ko silang makasama, kaysa lumabas ako na ang kasama ay mga kaibigan,” sabi ni Drew sa mediacon after niyang mag-renew ng contract sa Kapuso Network.

Isa ang Biyahe ni Drew sa ongoing shows niya sa GMA Public Affairs na napapanood tuwing Biyernes sa GMA News TV. Kung saan-saan na nakarating ang travel show, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa iba’t ibang bansa. Hindi raw sila nauubusan ng pupuntahan dahil dito pa lamang sa Pilipinas ay napakaraming lugar na magaganda at puwedeng puntahan kahit sa kalibliban ng bansa.

Ten years na ring nagho-host si Drew ng award-winning info-tainment show na AHA, na kung saan ang layunin nila ay makapagbigay ng education at entertainment sa mga manonood. Tinawag nila itong happy place ng mga batang smart kung saan mara­ming matututunan ang mga kabataan habang sila ay nag-e-enjoy. May special animation segments ito na tinawag nilang #KuwentongAHAmazing kung saan nagkukuwento ang mga piling Kapuso personalities tulad nina Jessica Soho, Bianca Umali at Ken Chan. Napapanood ito every Sunday, 8:30AM.

Elizabeth nag-trending sa paglalagay ng ubas sa dibdib!

Kinagigiliwan ng netizens na sumusubaybay sa The Gift ni Alden Richards ang gumaganap na nanay niyang si Jo Berry at ang lola niyang si Elizabeth Oropesa. 

Nagugustuhan nila ang serye na kahit seryoso ang tema ay nilalagyan din ng writers ng ilang eksenang makakapagpatawa sa mga manonood. 

Comment ng netizens, kaya raw love na love nila ang eksena ng mag-iina, at hindi nila nakakalimutang panoorin ito gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice.

vuukle comment

DREW ARELLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with