^

Pang Movies

Vlog ni Regine bentang-benta!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Vlog ni Regine bentang-benta!
Regine

Konting kembot na lang at aabot na sa one million views ang unang video blog ni Regine Velasquez-Alcasid sa YouTube channel nito.

Kakaiba talaga ang hatak ni Songbird sa mga manonood, kahit na anong i-post nito ay nagte-trending agad.

Lahat kasi ay interesado at nakasubaybay sa ginagawa ni Regine, mula sa pagpapakita niya ng closet at pamimigay ng sapatos, hanggang sa mga video nila ng asawang si Ogie Alcasid na meron na ring sariling YouTube channel at vlog.

Hindi pa kasama riyan ang Instagram account niya na may 1.7M followers na. Walang duda na isa siya sa in demand sa social media.

Ang madalas na request kay Regine ng kanyang followers ay ang kanyang makeup vlog at  tips kung paano mabilis na pumayat.

Samantala, sa darating na October 18 at 19 na gaganapin ang Iconic concert nila ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum. Puspusan na raw ang kanilang rehearsals dahil ilang araw na lang ang natitira bago ang nasabing event.

Masayang-masaya si Regine na nakasama niya sa unang pagkakataon sa isang concert si Sharon ganun din ang huli.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with