^

Pang Movies

Well-loved showbiz couple hiwalay na dahil sa third party!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Well-loved showbiz couple hiwalay na dahil sa third party!
Derrick

Matagal nang nababalitang hiwalay na ang sikat na showbiz couple na kilala rin sa pulitika at nakumpirma namin ang tungkol dito nang makausap namin ang anak ng showbiz couple na nasa showbiz na rin bilang singer-actress (SA).

Naikuwento ni SA na binibisita niya ang ama niya sa probinsya nila every month at dahil hindi nito nabanggit ang ina, tinanong namin kung nasaan ang nanay niya? Ang sagot nito, kasama niya rito sa Manila ang nanay niya na busy sa church activities at sa mga negosyo nito.

Tanong naman ng kasama naming nag-interview kay SA kung hindi ba niya kasama ang nanay niya tuwing binibisita ang ama sa probinsya?

Sa kwento na ‘yun ni SA, nakumpirma naming totoo ang tsikang hiwalay na ang well-loved showbiz couple, hindi na lang nila in-announce, pero marami ang malulungkot kapag nalaman ng mga kaibigan nila rito sa Manila.

Third party daw sa side ng lalaki ang rason nang paghihiwalay nila ng asawa. Napigilan namin ang aming sarili na itanong kay SA kung totoong may bagong minamahal ang kanyang ama kaya naghiwalay ang parents niya.

Derrick, model ang bagong dini-date

Tama ang nabanggit ni Derrick Monasterio nang makausap namin sa presscon ng pelikulang Kiko en Lala na isa-submit ng mga producer sa 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikulang G! LU o Go La Union na isa si Derrick sa male cast. Kabilang nga ang nabanggit na pelikula sa 15 entries na ipinasa sa 2019 MMFF.

Still on Derrick, nabanggit din nitong after his break-up with Fil-Aussie beauty queen Kathleen Paton, may dine-date siyang model. Hindi nito binanggit ang pangalan ng model, kaya nag-research kami at nalaman naming ang Brazilian model na si Livia Dumont ang kanyang tinutukoy. Maganda si Miss Livia at bagay sila ni Derrick at sana, duma­ting na ang araw na maipakilala siyang girlfriend ng aktor.

Kim may concert kasama ang mga tita

Nakausap ng press si Kim Molina sa interview sa Viva Entertainment office para sa comedy show na Tita’s of Manila na naka-schedule sa Music Museum sa November 22.

Ang nasabing show ang next project ni Kim after ng box-office hit na Jowable.

Makakasama ni Kim sa Tita’s of Manila sina Giselle Sanchez at Candy Pangilinan na siyang nag-conceptualize ng show sa direction ni Andrew de Real. Excited na si Kim to be working anew with Candy and Giselle na kung tawagin niya ang dalawa ay Mumshies. Nagpa-excite pa kay Kim ang guest nilang si Jon Santos na mahusay na stand up comedian at kasama rin sa guests sina Aiko Melendez, Gelli de Belen at Carmina Villarroel.

Natanong pala namin si Kim kung magkano na ang total gross ng Jo­wable, hindi raw niya alam, kaya nag-check kami sa Instagram (IG) ng Viva Films at nabasa ang “Road to 100M na ito!” Ganu’n kalaki ang kinita na ng movie.

vuukle comment

VIVA ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with