^

Pang Movies

Angel at Pip ibang klase ang ginawa sa ending ng TGD

TSUPPATID - Letty Celi - Philstar.com
Angel at Pip ibang klase ang ginawa sa ending ng TGD
Angel Locsin

Nasa Entertainment room ako ng Child Haus with some roommates na nanood ng last episode ng The Generals Daughter na nasubaybayan natin gabi-gabi sa ABS-CBN.

Wow! Grabe pala ang performance ni Angel Locsin na talagang nasubaybayan ko. Ang galing-galing maging action star ng aktres. Lahat ng eksena babantayan mo, hindi mo dapat ma-miss, kaya sinasabing napakahusay at very risky ang kanyang ginagawa. Walang patlang na action lalo na sa fight scene with Tirso Cruz III at mga humahabol na kalaban. ‘Yung habulan nila ni Pip na nakasakay sa barko at siya sa lantsa ay grabe, walang katakut-takot ang aktres.

Ang lahat ng nanonood ay pumapalakpak na may kasamang sigawan.

Isang expert na stuntman ang naggabay kay Angel at pati na rin kay Pip at iba pang involve sa The General’s Daughter.

Pero sayang tapos na ang The General’s Daughter.

Mayor Isko hinihintay sa Child Haus

Wish ni Mother Ricky Reyes na sana raw ay magkaroon ng panahon si Manila City Mayor Isko Moreno na madalaw ang Child Haus na hindi naman kalayuan sa City Hall at malapit lang din sa Philippine General Hospital (PGH).

Noong nakaraang 16th anniversary ng nasabing foundation na itinayo niya para sa mga may sakit na bata man o matanda na walang matuluyan na mula sa malalayong lugar, may leukemia, TB, Hydrocephalus at iba pang sakit na cancer ay libreng manuluyan sa Child Haus. Si Sir Hans Sy at ang buong pamilya Sy ang isa sa mga benefactor ni Mother Ricky Reyes. Gusto ni Mother na makarating sa kaalaman ni Mayor Isko Moreno na mayroong ganoong lugar sa kanyang siyudad.

Why not!

Imelda tambak ang guest

Magdaraos ng ika-45 taon sa music industry ang Queen of Sentimental Songs na si Imelda Papin na sa kabila ng hectic job as Vice Governor ng Camarines Sur ay magdaraos ng isang big concert sa Philippine Arena, Bulacan entitled Imelda Papin Queen @ 45.

Gaganapin sa October 26, makakasama ni Imelda ang anak na si Maffi at mga apo na sina Keif, Zach at Xavier, mga kapatid na Gloria at Aileen, Garry Cruz. Special guest sina LA Santos, Andrew E., April Boy Regino, Claire Dela Fuente, Eva Eugenio, Darius Razon, Jovit Baldovino, Marco Sison, Pilita Corales, Sonny Parsons, Hagibis at Victor Wood.

Ang kikitain ng concert ay para sa benefits ng mga project ni Imelda as Vice Governor sa kanyang nasasakupan sa Camarines Sur.

Rest in peace…

Nakikiramay kami with my family in behalf of the Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mga naulila ng yumaong si Isah Red, Director Mel Chionglo, the beautiful - number one na si Amalia Fuentes, maestro and one of the pillars of the local movie industry Sir Tony Mabesa. Hindi ko makakalimutan si Nena (Amalia) during her days sa Sampaguita Pictures with another movie queen Ms. Susan Roses. Avid fan nila ako, kaya pag Thursday afternoon nasa gate ako ng Sampaguita dahil araw ito ng lahat ng artista ay nasa studio, na ang gate ay nasa Ortigas Ave.

Ang daming fans na nakabantay sa mga artista, madalas akong makipag-away sa gate guard na si Bert Olivar dahil sumasampa ako sa main gate, hinahabol ako ni Mr. Olivar. Si Luis Gonzales na naaawa sa akin, ang aking tagapagtanggol, dadalhin ako sa kantina at pinakakain doon.

Naging idol ko rin si Gloria Romero at ang kapatid nitong si Tito Galla. Pero love ko talaga sina Amalia at Susan. Ngayong pumanaw na si Amalia, nalungkot ako, pero ganun talaga lahat naman tayo ay pupunta roon, kumbaga una-una lang. Where­ever you are, rest in peace!

Nakakalungkot man alam kong gagabayan ka ng Panginoon sa iyong paglalakbay sa dako paroon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with