^

Pang Movies

Marian tipikal na nanay pag namimili

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Philstar.com
Marian tipikal na nanay pag namimili
Marian

Super level up na ang pagiging endorser ni Marian Rivera dahil institution na ang nagtiwala sa kanya bilang unang celebrity endorser ng Walter Mart Supermarket.

Mga kilalang produkto ang unang nagtiwala kay Yan bilang brand ambassador nito. Pero ngayon, ang lumalawak na supermarket ang nagbigay ng trust sa kanya.

“‘Yun naman ang pinakaimportante eh. Sabi ko nga, ang pinakasikreto ng lahat ng ito ay ang pagiging totoo. Authenticity.

“Kasi ang pagiging isang ehemplo o reflection mo, hindi mo naman madadaya eh. Kung ano ang nakikita ng tao, kung ano ang nararamdaman nila, ‘yun ang nakikita nila.

“Ngayon pa ang tatalino ng mga tao. Hindi mo sila maloloko. Doon tayo sa totoo at bilang ako sa sarili ko, siyempre, ini-embrace ko ang pagiging nanay at asawa,” pahayag ni Yan sa launching niya bilang endorser.

Ano naman ang hitsura niya kapag namimili?

“Well, nagpalit na. Mula ulo hanggang paa, katutubo ako ngayon!” bulalas ni Yan.

“Simple lang ako. Nanay tipikal, normal at nandoon ka sa grocery para mamili at hindi para umawra!” diin ni Yan.

Bago tanggapin ang endorsement, nilibot niya ang isang branch ng Walter Mart. Nakita niya ang maayos na labeling ng kada produkto kaya hindi na niya kinailangang magtanong sa service crew.

Pero bilang isang ina, inililista niya ang lahat ng bibilhin niya.

“Kasi pag namimili ka, dampot ka lang nang dampot at nawawala ka. Bud­geted din ako at ang isang gusto ko sa Walter Mart, maraming variations ang egg surprise na laruan ni Zia,” diin pa niya.

Kaya ngayong Pasko, sa Walter Mart sila mamimili ng buong pamilya at isama niya ang kanyang lola at nanay sa supermarket, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with