^

Pang Movies

Imelda tumanaw ng utang na loob sa kanyang discoverer

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa darating na October 26 gaganapin ang concert ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin sa Philippine Arena sa Bulacan. Celebration ito ng kanyang ika-45th anniversary sa industriya, ang Imelda Papin Queen @ 45.

Maraming sikat na singers ang makakasama ni Imelda at siyempre, ang iba ay mga sikat noong kapanahunan niya.

Noong magpa-presscon si Imelda sa Mesa restaurant sa Tomas Morato, ilang entertainment writers ang nakita naming teary eyed nang akayin niya ang kanyang dating manager-discoverer na si Jun Quintana. May karamdaman kasi ito at sinikap lang na makarating sa hinandang presscon ni Imelda.

Pagkatapos ng nasabing event, ipinahatid niya ito sa kanyang body guard sa mismong bahay niya sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa totoo lang, meron pa kayang ganitong pag-uugali sa mga artista at singer ngayon na sikat? ‘Yung marunong tumanaw ng utang na loob?

Amalia masaya na sa piling nina Romeo at Liezl

Nagluluksa ang mundo ng showbiz dahil sa pagyao kamakailan lang ng tinaguriang showbiz movie queen na si Amalia Fuentes, halata namin ang kalungkutang nadarama ng Amalians na nakabantay talaga sa burol ng kanilang idolo.

Parang hindi sila nakakaramdam ng puyat at pagod.

Si Amalia ang itinuturing na Liz Taylor of the Philippines at may pinakamagandang mukha sa showbiz. Wala itong retoke, hindi tulad ngayon na parang halos lahat ng artistang babae ay may ipinagawa sa mukha.

Si Niño Muhlach ang nakabantay kay Amalia bukod sa nag-iisang kapatid na buhay ng aktres na si Alex Muhlach, ama ni Niño.

Masaya na marahil si Amalia dahil makakasama na niya sa langit ang nag-iisang lalaking minahal, si Romeo Vasquez at ang nag-iisang anak na si Liezl Sumilang.

Nakakalungkot lang at sa kabilang buhay na muli sila nagkatagpo-tagpo.

Melanie ginawang katatawanan sa serye

Hindi nagustuhan ng fans ni Melanie Marquez na isang international beauty queen, ang ginawa sa kanya sa seryeng One Of The Baes. Pinagmukha raw itong bakla sa karnibal dahil sa pinaggagawa. Ang gaganda pa naman daw ng mga oufit na ipinasuot dito.

Hindi rin nakaligtas sa viewers si Roderick Paulate. Bakit daw ganun ang role nito sa nasabing serye, samantalang hindi naman na raw uso ang karakter niya.

Hiling ng mga manonood, sana raw ay mas pagandahin pa ng writers at direktor ang kuwento ng One Of The Baes.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to October born celebrities: Cesar Montano, Liza Lo­rena, Pamela Ortiz, Manny De Leon, Eugene Asis at Theo Serrano.

vuukle comment

IMELDA PAPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with