^

Pang Movies

Maine may nilinaw tungkol sa deaf people

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine may nilinaw tungkol sa deaf people

Nag-tweet si Maine Mendoza na nililinaw niya kung ano ang deaf people na ginagampanan ni Carlo Aquino sa kanilang first movie team-up na Isa Pa With Feelings ng Black Sheep Productions at APT Entertainment.

“Let me just clear this common misconception about deaf people. DEAF PEOPLE HAVE VOI­CES; but many prefer to sign (using FSL: Filipino Sign Language) because it is their first language and their right. Therefore, the term Deaf-Mute is not right dahil HINDI PO SILA PIPI.”

Sa October 16 na mapapanood in cinemas nationwide ang Isa Pa With Feelings, samantalang tinatapos na rin ni Maine ang Mission Unstapabol: The Don Identity with Vic Sotto, na entry ng M-Zet Productions at APT Entertainment, Inc. sa coming Metro Manila Film Festival sa December.

Klea hindi muna priority ang pagiging beauty queen

Muling magtatambal sina Klea Pineda at Jeric Gonzales sa GMA Afternoon Prime dreama series na Magkaagaw. Una silang nagtambal last year sa Ika-5 Utos kaya masaya sila na muli silang binigyan ng GMA-7 ng bagong project na more mature na ang characters na gagampanan nila. 

Hindi pa nagdetalye ang dalawa kung anu-ano ang roles na gagampanan nila, maliban sa mag-asawa sila sa story at makakasama nila sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, sa direksyon ni Gil Tejada.

Kumusta naman ang muli nilang pagtatambal ni Jeric, na matagal na rin silang nagsimulang mag-taping dahil in two weeks time, magsisimula na silang mapanood.

“Kung dati po, noong ginawa namin ang Ika-5 Utos, hindi kami masyadong nag-uusap, ngayon naman ay comfortable na kaming magkasama, halos four days a week ay nagti-taping na kami mula umaga hanggang gabi, magkasama na kami sa set. Minsan nga, kahit wala po akong taping pumupunta ako sa set, para may interaction pa rin ang characters namin, kahit si Jeric lamang ang kinukunan.”

Hindi ba siya nababagalan sa takbo ng career niya dahil four years ago pa nang manalo siya sa Starstruck 6?

“Hindi naman po kasi after ng talent artista search, nagkasunud-sunod na rin ang projects na ibinigay sa akin ng GMA, bukod sa mga serye na nakasama ako, nagbibida rin ako sa ibang shows like sa Magpakailanman. Ang totoo po, thankful ako na nakagaganap ako ng iba-ibang roles. At ngayon nga, lead roles na ang gagampanan ko rito sa Magkaagaw.”

Paano na ang dream niyang maging beauty queen?

“Naroon pa rin po ang dream kong iyon, pero I’m still young kaya gusto ko na munang i-prioritize ang acting career ko, marami pang time kasi I’m only 20 years old.”
“Marami pong paghahanda ang gagawin ko if I join the beauty contest kaya saka ko na iyon bibigyan ng tamang oras.”

Gift ni Alden tsinismis na nag-iba ng timeslot!

Last night nagsimula ang eksena ni Alden Richards sa The Gift na bulag na siya pero may nakikita siyang visions na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Sa video message, sinabi ni Sep (Alden) na samahan siya sa bago niyang mundo. Nakakaloka lamang na maaga pa ay may mga nag-tweet nang nag-switch daw ng time slot ang The Gift. Kaya mabilis na nag-Tweet si Direk LA Madridejos na hindi totoong nagbago sila ng timeslot, pareho pa rin, 8:35 pm after ng Beautiful Justice.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with