^

Pang Movies

Sheryn Regis regular ang check up, pero cancer free na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sheryn Regis regular ang check up, pero cancer free na!

Ginulat ng singer na si Sheryn Regis ang marami sa pag-amin na nagkaroon siya ng stage 2 thyroid cancer.

Ayon kay Sheryn, na-diagnose siya with stage 2 thyroid cancer nang minsang magbakasyon siya sa hometown niya sa Cebu noong 2016.

“May napansin akong malaking bukol sa lalamunan and parang paglunok ko, mahirap.

“Bigla akong pumayat. Active naman ako, pero lagi akong nade-depress. Siguro ‘yung hormones nga minsan. Stressed.

“Hindi ko namalayan kasi walang sintomas. Akala ko lang kaya ako pumayat kasi lagi akong nag-e-exercise,” pag-alala ni Sheryn kung paano niya unang naramdaman ang sakit.

Nagpatingin siya sa doktor at nagpa-biopsy at doon nalaman ang kanyang sakit. Nagdesisyon si Sheryn na sa Cebu na lang daw siya magpaopera.

Isang pangamba ni Sheryn ay maari raw mawala ang boses niya sa ginawang operasyon sa lalamunan niya.

“It was very crucial for me. It’s thyroid cancer. ‘Pag tinanggal, my doctors, sinabi nila sa akin, ‘Alam mo ba, maaaring mawalan ka ng voice.’

“Puwedeng mawalan ako ng boses. It was rea­l­­­ly, really tough. Hindi ko lang sinabi kaagad kasi, akala ko, kapag sinabi kong ganyan, wala nang magbibigay sa akin ng trabaho, na makakakanta pa ako.

“Actually, ang restriction ko, hindi ako puwedeng kumanta for six months. I cannot talk. Like the first time after surgery, hindi talaga. Hindi ko alam kung ‘yung boses ko ay tataas ba o bababa.

“Even if ‘yung daughter ko, ayaw niya akong pakantahin, no talking, pero tina-try ko pa rin kasi ayaw kong kalawangin ‘yung boses ko.”

Dahil sa patuloy na panalangin ni Sheryn sa Panginoon, isa na siyang matatawag na cancer survivor at nakakakanta pa rin siya.

“Kapag nagpa-practice ako, masakit. Masakit pero nakayanan ko siya. But you know, my faith really helped me a lot.

“Siyempre, mabilis akong mapagod pero kayang-kaya ko naman. And I am so thankful to God at saka ‘yung support ng family ko and friends, kundi dahil sa kanila, hindi ko kaya.

“I think I am cancer-free. Siyempre, I always have check ups every six months.”

Nasa bansa ngayon si Sheryn para sa La MusikKandia shows ng PAGCOR sa ilang Casino Filipino ngayong October.

Exploited ni Direk

Daring scenes ng hunky actor sa ginawang pelikula, na-edit!

Masama ang loob ng hunky actor na ito sa direktor na nakatrabaho niya kamakailan.

Kuwento ng hunky actor na pinagawa raw sa kanya ang ilang sexy scenes sa sinu-shoot nilang pelikula, pero noong pinalabas na ito, wala raw ang mga eksenang iyon.

Ang natira na lang daw sa mga eksena niya ay ‘yung wala siyang dialogue. Lumabas na para siyang extra lang sa movie.

Noong tinanong daw niya ang direktor kung bakit edited out ang mga eksena niya, sinabi sa kanya na masyado raw mahaba na ang movie at kailangan may i-cut sila. At ang mga eksena niya ang tinanggal.

Kinasama raw ng loob ni hunky actor ay may isang project siya na tinurn down dahil pinilit siya ng direktor na gawin ang movie.

Three days daw nilang kinunan ang mga eksenang halos hubo’t hubad siya. Kahit na raw inaapoy na siya ng lagnat, ginawa pa rin daw niyang maghubad at mabasa sa isang eksena.

Kaya ang laki ng disappointment niya noong mapanood niya ang movie at wala ang mga sexy na eksena niya.

Pakiramdam tuloy ng hunky actor ay na-exploit lang siya ng direktor at baka kung saan lang daw gamitin ang mga na-edit out na sexy scenes niya.

Ang naging konsuwelo na lang daw ng hunky actor ay maganda ang binayad sa kanya. Mas malaki pa sa talent fee ng tinurn down niyang pelikula. Yun nga lang, hindi na raw siya uulit pa sa naturang direktor na mukhang pang-personal collection niya ang mga na-edit out na sexy scenes niya.

Hollywood comedian na nakaligtas sa aksidente, pahinga muna

Matatagalan bago makabalik sa kanyang mga trabaho ang Hollywood comedian na si Kevin Hart.

Inoperahan ang tatlong spine fractures ni Hart pagkatapos niyang ma-involve sa isang freak car accident sa Mulholland Drive noong nakaraang Labor Day.

Pagkatapos ng surgery niya sa dalawang thoracic section and one in the lumbar, kailangan niyang dumaan sa physical therapy sa isang live-in rehab facility for two weeks.

Binisita si Kevin ng comedienne-friend niyang si Tiffany Haddish sa ospital at may improvement na raw sa kalagayan nito.

Total wreck ang 1970 Plymouth Barracuda na sasakyan ni Hart pero milagrong buhay siya, ang passenger na si Rebecca Broxterman at ang kanyang driver na si Jared Black.

vuukle comment

SHERYN REGIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with