^

Pang Movies

2019 Punung-puno ng goodbyes!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Now ko naisip na marami ang nag-goodbye ngayong 2019.

At this year din na ang daming ganap sa showbiz, lalo na ang 100 Years of Philippine Cinema.

Ang mga nag-goodbye, malalaki at mga haligi rin ng showbiz industry kaya ramdam na ramdam ang pagkawala nina Eddie Garcia, Amalia Fuentes, Tony Mabesa, Mel Chionglo at ang bigtime writer na si Isah Red.

Well, I am hoping that next year will be brighter and happier dahil even a good goodbye is still sad. Mami-miss pa rin natin sila.

Kawalan sila sa brightness ng showbiz, masarap pa rin na sana buo pa tayong lahat pero ang law ng buhay, may mga dumarating at may mga umaalis.

So, basta happy lang tayo, maging masaya sa mga nagaganap and look ahead without any fear for the coming year.

Mga asong naulila, nakakaawa rin

Ang mga pet na nauulila kapag namamatay ang mga nag-aalaga sa kanila ang madalas na pumapasok sa isip ko.

Hindi bale sa mga tao na naiwan, alam na nila ang gagawin, pero ang mga pet, sino ang mag-aalaga sa kanila, magpapakain at magpapagamot kapag nagkasakit sila?

Nakakaantig sa puso ang dog na alaga ni PMA Cadet Darwin Dormitorio nang magpunta at lumapit siya sa kabaong ng tagapag-alaga niya.

Naisip ko ang dog ni Tony Mabesa na lagi nitong ipinapasyal sa paligid ng UP.

Ewan ko kung buhay pa ang pomeranian dogs na alaga ni Amalia Fuentes.

Hindi nga ba nakakalungkot dahil sure ako na kung ano ang sadness ng tao, ganoon din ang lungkot ng mga pet natin.

Sana, tulad din ng pag-aalaga kapag may naiwan na anak ang mga namatay, pareho rin ang gawin na pag-aalaga sa mga pet na maiiwan nila.

Kung ano ang pagmamahal natin sa tao, ganoon din ang ibigay natin sa mga pet.

Alam ko na sasabihin ng iba, pets lang ‘yan, ang mahal ng maintenance niyan, mahirap alagaan dahil wala naman maitutulong sa bahay pero hindi ito totoo.

I am sure, like us they have their own God, they pray to their God for us, they love us like we loved them, kaya dapat na minamahal at inaalagaan sila.

Senior citizens ng Makati maraming biyaya

Bongga pala talaga ang mga senior citizen sa Makati dahil alagang-alaga sila ni Mayor Abby Binay, Salve.

Aside sa free cakes tuwing birthday ng mga senior citizen, libre ang pagpapa-ospital nila, libre ang gamot, libreng sine at nadagdagan pa mga benefit na kanilang natatanggap.

Masarap na maging senior citizen resident ng Makati kaya pala matindi ang kanilang pagmamahal sa mga Binay na nag-umpisa sa mga benepisyo na natatanggap nila.

Isa naman sa hindi ko malilimutan tungkol kay former Vice President Jojo Binay ang pagpunta nito sa lahat ng mga burol ng mga namamatay na residente ng Makati City.

Halos gabi-gabi ko rin siya na nakikita sa wake ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong June 2008 at talagang na-appreciate ko ‘yon.

Kung senior citizen ka at naninirahan sa Makati City, imposible na hindi ka maliligayahan sa mga bigay na biyaya ni Mayor Abby Binay.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with