^

Pang Movies

Richard at Sarah may grand reveal ng kanilang kasal!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Sarah may grand reveal ng kanilang kasal!
Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Ruffa walang kamalay-malay

Ilang araw na may sakit si Ruffa Gutierrez kaya hindi siya updated sa mga pangyayari lately.

Nang kausap ko siya ng bandang 1:00PM kahapon, sinabi ko sa kanya na on the way ako sa Quezon City dahil ako ang magho-host ng presscon.

Akala ko naman ay aware siya na ang tinutukoy kong presscon ay ang wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na magaganap sa March 2020.

So, during the presscon nga ng kapatid niya at ni Sarah, panay ang tawag ni Ruffa sa akin.

Nang matapos ang presscon, nag-return call naman ako sa kanya.

“Bakit tawag ka nang tawag, sabi ko naman sa ‘yo, ako ang host ng presscon nina Chard and Sarah for the official announcement ng wedding nila?!” sabi ko kay Ruffa.

Wala palang alam si Ruffa na may presscon sina Richard at Sarah.

Ang alam lang niya ay ang guesting ng dalawa sa ASAP Natin ‘To.

“May sakit nga ako, ‘di ba, so wala akong alam sa mga nangyayari. Hindi rin kami nag-uusap ni Mommy (Annabelle Rama), ‘di ba? Akala ko naman ang presscon na sinasabi mo, presscon nina Sharon (Cuneta) at Regine (Velasquez-Alcasid for Iconic). Walang nagsabi sa akin na may pa-presscon ang ABS-CBN para sa announcement ng wedding nila.

“Ang bongga naman ng ginawa ng ABS-CBN for Chard and Sarah. At least, they waited para sa grand announcement ng ABS-CBN. So nice!” sey ni Ruffa na matagal ding inilihim ang nalalapit na kasal nina Richard at Sarah.

At least, ngayon ay isa-isa na ring lalabas ng details tungkol sa kasalang ‘yon sa iba’t ibang shows ng Kapamilya network pati sa lahat ng multi-media platforms nila, huh!

Si Ruffa naman, ay nananalangin na gumaling na siya agad para hindi mapag-iwanan sa mga update sa preparations para sa kasal ng kapatid at ni Sarah.

Mariel dalawang taon sa NYC

Sa Sunday ay aalis na si Mariel de Leon papuntang New York City kung saan may kontrata siya sa isang modeling agency.

Noong Saturday ay nag-despedida party na si Mariel with her friends at nag-stay sila overnight sa isang hotel.

Sabi ni Mariel, two years din siya sa NYC, pero kung may project naman dito ay uuwi siya dahil manager pa rin naman niya si Leo Dominguez.

Sa November ay may show sa Amerika ang tatay ni Mariel na si Christopher de Leon at sasama ang nanay niyang si Sandy at mukhang dadalawin ng mga ito ang anak.

Sabi ni Sandy, masaya rin sila sa modeling contract sa New York City ni Mariel.

Bon voyage, Mariel.

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with