^

Pang Movies

Fans napanatag James at Nadine super sweet na uli

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fans napanatag James at Nadine super sweet na uli
James Reid at Nadine Lustre

Medyo kumalma na ang fans ngayon nina James Reid at Nadine Lustre na nawindang sa announcement ng ABS-CBN na magkakaroon ng teleserye ang aktor with Nancy of Momoland.

Nakatulong ng malaki ang tweet ni James kung saan ay sinabi niyang JaDine pa rin ang kanyang loveteam.

“I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names. I’ve already got one #jadine,” ang tweet ni James sa kasagsagan ng pagka­kagulo ng lahat dahil sa announcement ng ABS-CBN last Friday.

Ikinatuwa’t ikinakilig nang sobra ng JaDine fans ang paglalabas ni James ng stand nito sa nangyayari at sobrang pinuri nila ang aktor.

Bukod dito, ikinatuwa rin ng fans nang makita ang larawan ni James at Nancy sa storycon na ni hindi raw umaakbay ang aktor sa leading lady at napaka-stiff daw ng hitsura. They assume na dahil daw ito sa respeto ni James sa girlfriend.

Super happy din ang fans na makitang magkasama ang JaDine last Saturday night sa Sonik Philippines music conference/festival kung saan ay nag-perform si James habang si Nadine naman ay nakitang nasa audience playing the role of a supportive girlfriend.

Ang sweet-sweet nina James at Nadine sa mga larawan at videos na lumabas sa social media na kuha from the event kaya naman lalong napanatag na ang mga fans nila.

Alden ramdam ang pagkapit ng karakter

Dahil bulag na si Alden Richards as Seph sa The Gift, aminado ang aktor na mas mahirap and challenging ang mga eksena ngayon especially kapag crying scenes dahil naka-contact lens pa raw kasi siya.

“So, mahirap pong maging emotional minsan kasi parang may humaharang. So, extra effort po para sa akin ‘yun to motivate myself, na i-push ‘yung sarili ko sa mga dramatic scenes,” sey ni Alden.

Pero ang maganda naman daw, mas kumapit ang karakter sa kanya ngayong bulag na siya.

“Kasi, nun’g una, nun’g mga time po nakakakita pa ako, parang hindi pa ganu’n ka-challenging po ‘yung role. Pero ‘yung unang mulat ko po du’n sa kama, sa ospital, parang sabi ko kay direk, ‘direk, andito na ako,’ meaning, ‘nandito na po ‘yung karakter, ramdam ko na siya,’ hindi ko na siya kailangang actingin,” kwento pa ng aktor.

Kate pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Ayon kay Kate Valdez, iba raw pala talaga ang feeling na magkaroon ng pelikula. Isa siya sa bida ng Black Lipstick at noong una pa lang daw na sinabi sa kanya na magiging part siya ng movie ay na-overwhelm na siya.

“Parang dati lang, pinapangarap ko ‘to. Bata pa lang ako, sabi ko, ‘ano kayang feeling na magkaroon ng movie?’ Iba ‘yung feeling, eh. Kilig na may kaba, excitement, halo-halo po,” pahayag ng Kapuso actress.

Hindi naman niya itinatangging sa first day of shooting niya ay talagang kabado siya pero dahil nga sa mga kapwa-Kapuso stars din ang kasama niya na sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa ay madali naman daw siyang naging kumportable at bandang huli ay para na lang daw silang naglalaro sa set.

Isa si Kate sa mga artistang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista kaya naman nakakabilib ang aktres dahil pumapasok daw siya araw-araw sa school.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with