^

Pang Movies

Kim dedma sa panlalait ni Super Tekla

Vir Gonzales - Pang-masa
Kim dedma sa panlalait ni Super Tekla
Kim Molina

MANILA, Philippines — Sa katatapos lang na movie ni Super Tekla na Kiko En Lala, todo ang ginawang pagsuporta ng kanya ng mga kaibigan sa industriya tulad nina Ken Chan, Rita Daniela, Boobay at Regine Angeles.

Naging kontrobersyal ang komedyante bago ipalabas ang sariling pelikula dahil diumano sa pagtawag nito ng balahura sa pelikula ni Kim Molina na Jowable na kasabayan ng Kiko En Lala.

No comment naman ang huli sa sinabi nito.

Fans ni juday excited na sa Starla

Sa wakas ay ipapalabas na at mapapanood na ngayon ang seryeng matagal nang hinintay ng fans ni Judy Ann Santos, ang Starla.

Katakut-takot na pagpo-postponed ang nangyari sa nasabing serye bago natuloy dahil diumano sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, excited na ang mga maka-Juday sa kanyang comeback. Lalo na at kakaiba ang role na gagampanan niya rito, isang kontrabida.

Sa ngayon, bukod sa pagbabalik ni Juday sa TV, inaabangan na rin ang kanyang pagbabalik sa big screen.

Jo Berry hindi maitago ang kilig

Ibinuking ni Elizabeth Oropesa si Jo Berry na palaging kinikilig kay Alden Richards kahit pa ang role nito ay nanay-nanayan ng huli.

Hindi raw maitago ni Jo ang mga ngiti sa tuwing magka-eksena sila ni Alden, palagi pa siyang nakikipag-selfie rito kapag magkatabi sila.

Samantala, kahanga-hanga talaga si Alden dahil pantay-pantay ang tingin niya sa mga taong nakakasalamuha at nakakatrabaho.

No wonder, kaya sunud-sunod ang blessings na dumarating sa aktor.

vuukle comment

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with