^

Pang Movies

Zephanie kinanta ang theme song nina Joshua at Janella

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Zephanie kinanta ang theme song nina Joshua at Janella
Zephanie Dimaranan

Finally at inilabas na ang official music video ng kanta ni Zephanie Dimaranan na Pangarap Ko Ang Pangarap Mo, kasabay nitong ipinalabas ang life story niya sa Maalaala Mo Kaya last week. Nagpasalamat siya sa kanyang IG account sa mga tumutok dito.

“Ms. @charosantos at sa lahat po ng bumubuo ng MMK, maraming maraming salamat po sa napakalaking opportunity na ibinigay niyo para maibahagi ko ang kuwento ng aking buhay at makapag-inspire ng mas maraming tao na WAG NA WAG SUSUKO at PATULOY LANG SA PAG-ABOT NG MGA PANGARAP - dahil THE BEST TIME is GOD’S PERFECT TIME. God bless you all and stay happy!”

Nakakaiyak pa rin na mapanood ang winning moment ni Zephanie na mas nagbibigay ng inspirasyon sa mga nangangarap na magtagumpay.

Goosebumps ang hatid ng nasabing music video.

Samantala, perfect choice na si Zephanie ang kumanta ng isa sa soundtrack ng The Killer Bride na Bawat Daan para sa loveteam nina Emma at Elias na ginagampanan nina Joshua Garcia at Janella Salvador, tuwang-tuwa tuloy ang JoshNella fans.

Talagang magical ang boses ni Zephanie na nagbibigay pag-asa sa isang pusong sawi. Higit pa sa kuwento ng love story o teleserye, nagbibigay din ito ng comfort habang pinakikinggan.

Ang wish ng fans, sana ay marami pang magawang kanta si Zephanie at maging matagumpay siya sa larangang pinasok.

vuukle comment

ZEPHANIE DIMARANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with