^

Pang Movies

Alden may bago nang proteksyon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden may bago nang proteksyon
Alden Richards

Kung nanghinayang si Alden Richards sa napigtal at sumabog na Rosary bracelet with the St. Benedict’s Cross na lagi niyang suot noon, may bago na siyang suot na ganito rin halos na Rosary bracelet for his protection.

Ngayon ay bulag na ang character niyang si Sep, paano siya nakaka-cope up sa kanyang character?

“Medyo po mahirap dahil may suot akong contact lens at nalaman kong mahirap palang umiyak, kapag may suot kang ganoon, dahil naba-block ang luha mo,” kuwento ni Alden. 

“Ito na po iyong challenge sa akin na na-realize ko, after noong matagal akong nakapikit after the operation sa eksena at pagdilat ko sabi ko kay Direk LA (Madridejos), ‘Direk nandito na ako, ramdam ko na ang character ko at hindi ko na kailangang umarte.’

“Pagdating po sa pagpapakita ng emosyon, mahirap dahil kailangan ko ng extra effort dahil wala nga akong nakikita, kailangan kong i-push nang husto ang sarili ko sa dramatic scenes,” dagdag pa niya.

Alam ba niyang maraming nakikiiyak sa kanyang netizens lalo na noong humagulhol siya dahil hindi na nga siya nakakakita?

“Nagpapasalamat po ako dahil nakararating sa aming lahat ang mga papuri nila. Pero utang ko iyon sa magagaling na kasama ko sa cast, sa aming mga writers, especially kay Direk LA. Very open po si Direk sa kung ano ang napi-feel namin sa oras na may ginagawa kaming eksena, may times na ang dialogue ko ako ang nagdagdag at hindi iyon pinigilan ni direk, may collaboration po kami sa ginagawa namin. Kaya ako, laging looking forward sa taping namin. Kahit maghapon hanggang gabi kami nagti-taping wala kaming reklamo. Kaya salamat po talaga sa kanila. Lalo iyong mga friends ko na hindi naman nanonood ng teleserye ko, ngayon daw ay hooked na silang manood ng The Gift,” ani Alden.

That evening, after ng short interview, umalis muna si Alden para sa isang event sa Philippine International Convention Center, pero bumalik pa rin siya para ituloy ang taping na inabot na ng early morning. This week, dahil wala silang nakabangkong episode, diretso ang taping nila this Monday to Wednesday. 

Napapanood gabi-gabi ang The Gift at 8:35 pm pagkatapos ng Beautiful Justice.

Arra pressured maging madrasta!

Huhusgahan na ngayong Monday, October 7, si Arra San Agustin, kung pasado na siyang maging madrasta sa bago niyang teleseryeng Madrasta, na kung saan sa wakas ay bida na siya.

Ano ang naging feeling ni Arra nang una niyang malaman na lead actress na siya ng bago niyang serye sa GMA Network?

Natuwa raw siya dahil finally, lead actress na siya, pero naroon din ang pressure nang magsimula na silang mag-taping, pinagbuti niya ang pag-arte dahil ayaw niyang ma-disappoint ang management sa pagbibigay nila ng ganito kalaking opportunity sa kanya. Alamin kung pasado na si Arra sa world premiere nila mamayang 4:15pm, pagkatapos ng Prima Donnas.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with