^

Pang Movies

Bigay ni Jen Alden affected sa nawalang rosary

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sobrang special pala kay Alden Richards ang rosary bracelet na ipinost niya sa kanyang Twitter account with matching crying emoji na akala ng mga fans ay bigay ni Maine Mendoza.

Kwento ni Alden nang makatsikahan namin sa taping ng The Gift last Friday night, bigay daw ng isang supporter niya na nagngangalang Jen ang nasabing rosary bracelet na galing pa sa Rome nang magpunta siya sa Canada five years ago.

Simula nang ibigay ito sa kanya ay lagi na niya itong suot at talagang lagi raw niyang ibinibilin sa assistant niyang si Tenten na mawala na ang lahat, huwag lang ang rosary bracelet.

Pero napigtal daw ito recently sa isang event.

“Hawak ko po siyang ganu’n, tapos lumusot po ‘yung isang daliri, siyempre, instinct mo, pag may naputol, sasaluhin mo ng kamay na free. Pagbitaw kong ganu’n, nalaglag lahat,” kwento ni Alden.

So that explains kung bakit crying emoji ang caption niya sa larawan ng bracelet na ipinost niya.

Samantala, sobrang happy si Alden sa napakagandang feedback ng mga televiewers sa The Gift na gabi-gabi ay nagte-trending sa Twitter at puring-puri siya pati na ang ganda ng serye.

“ ‘Yung mga hindi nanonood ng soap na mga kaibigan ko, sila ngayon ang hooked na hooked. Nagtataka nga ako sa kanila, parang may ganu’n siyang effect,” pahayag ni Alden.
Sa mga darating na episodes ay marami pa raw dapat abangan sa The Gift dahil ngayon ay nagkakaroon na raw ng vision ang kanyang karakter na si Seph since nabulag na nga ito.

Mikoy nailang kay Alden

Sa nasabing set visit pa rin sa The Gift ay nakausap din namin si Mikoy Morales na umaming medyo nailang siya at first na makatrabaho si Alden dahil nga best friend niya si Juancho Trivino.

Matatandaang nagkaroon ng conflict in the past sina Juancho at Alden because of Maine (remember the dirty finger issue?).

Ayon kay Mikoy, kinausap daw niya si Alden tungkol dito sa first day of taping pa lang.

“Kasi ang laking ano nu’n, eh. Kasi, oo, best friend ko si Juancho at naririnig ko naman ang side ni Juancho lagi, hindi ko naman nakakausap si Alden. Actually, wala naman talagang side ni ganito, side ni ganyan,” pahayag ni Mikoy.

Inamin daw niya kay Alden na nailang siya sa aktor simply because best friend niya si Juancho at sinabihan naman daw siya ng co-star na wala raw problema sa kanila. “Sabi niya, ‘hindi, wala, Mikoy, ikaw si Mikoy.’ Hindi siya nagdya-judge. Hindi porke’t kaibigan ka ni ganito, ganito ka rin, walang ganu’n,” ani Mikoy.

At naramdaman naman daw talaga niya na wala talaga kay Alden ‘yun. Sa set ay grabe nga raw ang energy na ibinibigay ng aktor at dahil dito ay naging magaan para sa kanila ang pagtatrabaho.

“Ina-admire ko na si Alden sa previous body of works niya pero ngayon ko lang siya nakatrabaho first hand. At masasabi ko na ‘yung galing niya, hindi lang du’n sa ‘ah kaya niyang umiyak,’ hindi, eh. It’s his entirety,” sey pa ni Mikoy.

Noong simula raw ay naiilang pa siya kapag nagkakadikit ang braso nila ni Alden pero nawala na raw ito recently.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with