^

Pang Movies

Almira may non-showbiz BF na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Just imagine, after 12 years ay back to acting na uli si Almira “Miray” Muhlach sa isang serye sa GMA-7, titled Madrasta.

Siya ang gumaganap sa papel ng isang ina na may pagkakontrabida. Makakasama niya sa nasabing serye sina Arra San Agustin, Juancho Trivino, Thea Tolentino at Gladys Reyes.

Si Miray ay 44 years old na, siya ang nakababatang kapatid ni Aga Muhlach. Ang ama nila ay si Cheng Muhlach na pumanaw na ilang taon na rin ang nakakalipas.

Dalawang babae ang naging anak ni Miray sa basketball player na si Bong Alvarez, ito ay sina Alyssa Muhlach Alvarez at Illa Alvarez. At take note puro sila degree holder.

Ang anak niyang Alyssa ay sumali noong nakaraang taon sa Reina Hispanoamericana 2018 pero nabigong masungkit ang korona na dating hawak ni Winwyn Marquez. Pero ngayon, sumunod na rin siya sa yapak ng kanyang ina bilang artista at lumabas na rin sa serye ng ABS-CBN na Pamilya Ko  katambal si JM de Guzman.

Matagal nang hiwalay sina Bong at Almira, at balitang may non-showbiz boyfriend na ang huli.

Sa seryeng Madrasta baka simula na ulit ng kanyang pagiging mainstay sa TV at maging sa pelikula. Goodluck Miray!

Personal…

Taos pusong pasasalamat kay Mother Ricky Reyes ng Child Haus at kay Sir Hans Sy, ang tumatayong isa sa mga benefactor ng foundation.

Kay Madam Daydee Castillo (Head of Staff) at sa mag-asawang Ma’am Jeanette S. Chua at Sir Renzy. Sila ang gumawa ng pa­raan sa katuparan ng scholarship ng apo kong si Jennilyn Reyes Ra­mirez na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa NU Calamba, sila ang nagbigay ng pang matrikula for one and a half sem, na suportado ni Sir Hans Sy.

Si Madam Jeanette S. Chua ay isa sa may pinakamataas na posisyon sa Child Haus sa Quezon City. Siya lang naman po ang project director doon. Noong ­unang kita ko sa kanya ‘di ko pa knows ang kanyang name sabi ko sa katabi ko “look a like siya ni Anabelle Rama.”

Halos maloka ako sa sobrang tuwa.

Salamat po Lord napakabuti nyo po. Hayaan nyo pong pasalamatan ko rin ang mga  kaibigan kong nagpahabol ng tulong sa akin, sina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, PMPC c/o Sandy S. Mariano, Nitz Miralles, Vinia Vivar, Nora Calderon, Evelyn Diao, Bayani Agbayani at sa wife niyang si Len-Len.

Maligayang kaarawan!

Happy Birthday sa dalawa kong ka-roommate sa Child Haus na sina Nonoy Jimenes (October 2) at kay Nyl Tamayo (October 10) ang dalawang pogi sa 5th floor.

God Bless us all! especially Mother Ricky Reyes and the Child Haus.

vuukle comment

ALMIRA “MIRAY” MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with