^

Pang Movies

Maine inaming opposite sila ng ugali ni Arjo!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Maine inaming opposite sila ng ugali ni Arjo!

Nag-taping kahapon ng Magandang Buhay sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para sa promo ng Isa Pa With Feelings movie nila na isu-showing na sa October 16.

Kuwento sa akin ng isang staff, “Before pala, nanghihingi siya ng video greetings kay Melai (Cantiveros) thru Jason Francisco. MelaSon fan daw si Maine. Sobra silang nag-gel ni Melai during the taping.”

Naiyak din daw si Maine sa isang part ng guesting dahil nag-surprise walk-in ang ate niyang si Coleen.“Nagulat si Maine. Hindi raw kasi showbiz ‘yung family niya, pero napapayag ng Magandang Buhay na mag-surprise sa kanya si Coleen. Eh, isang buwan na raw kasi sila na hindi nagkikita,” sabi pa ng staff ng show.

May isang fan naman na nasa taping ng Magandang Buhay ang nagtsika sa akin na natanong din si Maine about rumored-boyfriend Arjo Atayde at hindi naman daw nag-alanganin si Maine sa pagsagot at sinabi pa na kahit very opposite ang ugali nila ng aktor ay magkasundo sila.

Actually, sa Tonight With Boy Abunda guesting din daw ni Maine na ipapalabas naman sa Monday ay natanong din daw siya ni Boy Abunda about Arjo.

Sa Tuesday ipapalabas ang guesting nina Maine at Carlo sa Magandang Buhay.

Samantala, nag-last shooting day na noong Thursday ang Isa Pa With Feelings.

Actor/singer kumpirmadong mama’s boy kaya inayawan ng aktres!

May pagka-Mama’s boy daw ang actor/singer na ito na close sa isang controversial actor.

Nasabi ng isang aktres na produkto ng isang reality show na obvious daw na ayaw sa kanya ng nanay ni actor/singer kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila.

“Masunuring anak” si actor/singer sa kanyang nanay kaya hiniwalayan na lang ito ni aktres.

Well...

Ang HenerasyonG… maganda ang feedbacks. umaasang lalakas ngayong weekend!

Maganda ang feedback sa barkada movie na Ang Henerasyong Sumuko Sa Love kaya naman marami ang humihikayat sa mga fan nina Tony Labrusca, Albie Casiño, Jerome Ponce, Myrtle Sarrosa at Jane Oineza na panoorin ang pelikula.

Hindi maganda ang box-office result ng pelikula noong opening day at inaasahan na ngayong weekend ay manonood ang mga fan ng young stars na mga bida sa pelikulang ‘yon.

In fairness, ayon sa mga nakapanood ng Ang Henerasyong Sumuko Sa Love ay matinong pelikula ito.

‘Yun na!

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with