^

Pang Movies

John Lloyd bonggang comeback ang plano?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Lloyd bonggang comeback ang plano?!
John Lloyd Cruz

Inamin ni John Lloyd Cruz na disappointed siya na mukhang nagamit ang kanyang ginawang cameo role sa isang pelikula para maligaw ang paniniwala ng audience. Iyan ay dahil nalaman niya na sa trailer ng pelikula ay may close up siya. Dahil dito inakala na talaga ng marami na magbabalik-pelikula na siya.

Sinabi ni John Lloyd na wala silang usapan na may close up siyang ganun, cameo role lang ang ginawa niya na siguro tatagal lamang ng ilang segundo sa pelikula.

Naisip siguro ng kung sino man ang gumawa ng trailer na mapag-uusapan sila at makakahatak ng tao sa takilya kung ilalagay nila sa trailer si John Lloyd.

Natural lang naman na gusto ring bigyan ni John Lloyd ng proteksyon ang kanyang career at ang possible niyang come back. Natural lang naman sa isang artista na matagal na nagbakasyon na gustuhin na matinding project ang kanyang maging comeback at hindi isang cameo role lamang. Bakit nga naman siya gagawa ng comeback sa isang cameo role. Hindi mo naman masasabing may isa ngang responsible sa mga kumakalat na kuwentong ganoon, pero obviously disinformation nga naman iyon. Malaking fake news.

Mabuti at naisipan ni John Lloyd na magbigay ng statement, at least nalalaman ng mga tao kung ano ang totoo. Kadalasan kasi ‘yang si John Lloyd ang tatahimik na lang, hindi na lang magsasalita tungkol sa issues sa paniniwalang makakalimutan din naman agad iyan ng mga tao kung sakali. Pero hindi tama iyon sa lahat ng pagkakataon eh.

Ngayon sa palagay namin, tama ang ginawa niyang pagbibigay ng statement, lalo na nga’t sinasabing baka makasama pa iyon sa MMFF dahil sa kanya.

Anne ingatsa isyu ng pagbubuntis!

Pumalag si Anne Curtis doon sa pagtatanong sa kanya kung kailan nga ba siya magbubuntis. Sabi niya parang insulto iyon sa isang babae. Lahat naman kasi ng babae, ultimate goal ang maging nanay pero kung natatagalan eh ano nga naman ang magagawa nila. Kaya sinasabi ni Anne na sana matigil na ang pagtatanong nang ganun sa mga babae?

Pero papaano nga ba siya nagsimulang matanong nang ganyan? Sa kanya rin naman nagsimula eh. Sa promo ng isa niyang pelikula, sinabi niyang itutuloy na nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff ang kanilang two year delayed honeymoon at gusto na rin niyang magka-anak. Noong hindi siya magka-anak nagsimula nang magtanong ang mga tao kung bakit. Ano nga ba ang dahilan at hindi pa siya nagbunts? Kung iisipin, siya ang nagsimula kaya ganun.

Enchong DEE binuweltahan sa pakikialam sa problema ng jeepney drivers

May nagtanong lang naman sa amin, ano raw kaya ang interest ng male star na si Enchong Dee sa jeepney drivers? Hindi rin naman siya operator. Palagay namin hindi rin siya sumasakay sa jeepney. Hindi niya alam ang pollution. Bakit daw nagagalit siya kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, na nagsabi lang namang hindi naapektuhan ng strike ang mga mamamayan dahil sa pagtutulungan ng mga local mayors ng mga lunsod sa Metro Manila?

Hindi po namin alam kung si Enchong ay member ng Piston, Pasang Masda o Stop and Go. Mas mabuti po siya na mismo ang tanungin ninyo. O kaya ipagtanong ninyo, baka naman may kaanak siyang jeepney driver o operator.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with