^

Pang Movies

Mas nauna kay Raymart, Juday gusto rin makasama si Claudine

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mas nauna kay Raymart, Juday gusto rin makasama si Claudine
Judy Ann Santos

Guess with whom, Salve A., Judy Ann Santos is eager to work with, she said? Claudine Barretto, that’s who.

Right now, of course, we all know na nakatrabaho ni Juday ang estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago. They are together sa bagong series na Starla, Juday’s comeback teleserye.

Starla of course is a production of Dreamscape Entertainment and has at the helm, Jerome Pobocan, Onat Diaz at Darnel Villaflor.

Actually, according to Juday, it’s not just her team-up kay Raymart siya excited, dahil makakasama rin niya sina Joel Torre, Joem Bascon at Meryll Soriano.

Playing special roles are Charo Santos-Concio at Tirso Cruz III.

Featured ang six years old na si Enzo Pelojero at ang 10 years old na si Jana Agoncillo.

Of Enzo, Juday reveals she reminds him of her when she was just starting in showbiz.

She related she was seven years old when she accompanied a kababata who wanted to audition for a role in the then upcoming movie ng Regal Films na Kaming Mga Ulila. Unfortunately, hindi raw nakapasa ang kanyang kababata sa audition. Pero since nandoon na rin naman daw siya, she was asked by the auditioner to join the audition na rin, at ayun, nakapasa siya, and the rest is history.

Back naman to Enzo, produkto siya ng Mini-Me contest ng It’s Showtime. Ayon sa kanya, pangarap daw talaga niyang maging isang artista, dahil gusto niyang maipagawa ng bahay ang kanilang pamilya.

Blessing ng bahay ni Julia ‘di sinipot ni Gerald

Nakalipat na raw sa bagong bahay si Julia Barretto na kanyang ipinagawa. Present ang mommy niyang si Marjorie Barretto at ang mga kapatid nang ipa-bless niya ang bahay.

No, wala raw sa blessing si Gerald Anderson o kahit maging si Joshua Garcia na kanyang kasintahan habang ipinapatayo pa ang bahay.

By the way, how true na dahil sa controversy involving Julia, Bea Alonzo at Gerald ay nag-friendship over na sina Bela Padilla at Dani Barretto?

Nag-unfollow na raw silang pareho sa kanya-kanyang account nila sa Instagram.

Close nga rin daw kasi si Bela kay Bea.

Jhong masaya na sana sa pagiging dancer

Kasalukuyang nagsisilbi bilang konsehal ngayon sa isang distrito ng Makati si Jhong Hilario. Kaya sa presscon recently ng It’s Showtime para sa kanilang 10th anniversary offering, nabanggit namin kay Jhong ang posibilidad na mangyari rin sa kanya ang ngayo’y tinatamasang tagumpay sa pulitika ni Tito Sotto, the seating senate president.

Senator Tito, we all know, is a co-host ng Eat Bulaga, ang katapat ng Showtime.

Natawa lamang si Jhong, sabi niya, ipinagpapasa-Diyos daw niya ang mga nangyayari sa kanyang buhay. Lalo’t where his future in politics is concerned.

Kasi, ‘di raw part ng kanyang pangarap ang maging isang pulitiko. Minana lang daw niya ang posisyon bilang konsehal sa kanyang ama.

Actually daw, kuntento na siya sa pagiging dancer at eventually regular host ng Showtime.

Malaking bonus daw na nakakapaglingkod siya sa kanyang mga kababayan sa Makati. Lalo na ng mga kadistrito niya.

Aljur lalaki uli ang second baby

Masayang ini-announce ni Aljur Abrenica na lalaki muli ang kanyang anak sa misis na si Kylie Padilla sa Tonight With Boy Abunda ni Boy Abunda.

Lalaki ang panganay nila na si Alas na three years old na.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with